Taylor Swift ginawang ‘patron’ ng netizens, mala-roller coaster ride ang peg ng ‘Midnights’ album

Taylor Swift

PHOTO: Instagram/@taylorswift

MAPAPAKINGGAN na ang bagong album ng Pop Superstar na si Taylor Swift!

Ngayong araw, Oct. 21, inilabas ang kanyang 10th studio album na “Midnights.”

May labing tatlong kanta ang nasabing album na tungkol daw sa kanyang “sleepless nights.”

Kasabay ng pag-release ng album ni TayTay, proud niyang ibinandera sa Twitter ang kanyang pasasalamat sa “long-time collaborator” na si Jack Antonoff.

Sinabi pa niya na halos isang dekada nilang ginawa ang “Midnights.”

Sey niya, “Midnights is a wild ride of an album and I couldn’t be happier that my co pilot on this adventure was @jackantonoff

“He’s my friend for life (presumptuous I know but I stand by it) and we’ve been making music together for nearly a decade HOWEVER…”

Nagkwento din ang Grammy-winning singer-songwriter na halo-halong emosyon ang ibinuhos niya para mabuo ang album.

Saad niya sa tweet, “Midnights is a collage of intensity, highs and lows and ebbs and flows. Life can be dark, starry, cloudy, terrifying, electrifying, hot, cold, romantic or lonely. 

“Just like Midnights.”

Tampok sa bagong album ang iba pang international artists, gaya nina Lana Del Rey, Zoe Kravitz, at Joe Alwyn na “boyfriend” ngayon ni Taylor.

Naging trending sa Twitter ang “Midnights” sa pamamagitan ng “#MidnightsTaylorSwift.” 

Ang isang fan, naging “speechless” at sinabing tila sinulat ng singer ang kwento ng kanyang buhay.

Saad sa tweet, “no words. It’s like she’s read a book of my life and wrote songs about it (crying emoji).”

Humanga naman ang isa pang nag-post dahil sa kasipagan daw ni Taylor.

Sabi pa niya, “Taylor swift – Patron ng kasipagan kami ay gabayan. 

“Sana kami ay maambunan mo ng kasipagan.”

Naging super excited naman ang isa pang nag-post.

Sey niya, “omggg taylorrrrr this is a best Suprise !! 2022 best  daayyy ever !! I’m screaming and crying at the same time lol !!

Matatandaang taong 2020 huling nagkaroon ng album ang pop star at ito ang “Folklore” at “Evermore.”

Samantala, noong nakaraang taon naman nang nilabas ang bagong version ng kanyang 2008 album na “Fearless” at 2012 album na “Red.”

Read more:

QC kabilang sa worldwide ‘top listeners’ ni Taylor Swift, bagong album inaabangan na

True ba, Taylor Swift nakipag-date sa ‘Train To Busan’ actor na si Gong Yoo sa Amerika?

Jake Zyrus nadamay sa “All Too Well” ni Taylor Swift

Read more...