HINDI maiwasan ng komedyante at vlogger na si Donita Nose ang mag-rant at magreklamo sa social media patungkol sa nangyari sa kanyang travel.
Lumipad kasi siya papuntang Bohol ngunit naiwan ang lahat ng mga bagaheng dala dala niya.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya kung gaano siya naimbyerna sa aberyang idinulot sa kanya ng isang airline.
“Walang lahat ng bagahe ko! Iniwan ng manila Pero ako nasa BOHOL na! Anu Kaya nangyari?” umpisa ni Donita.
Aniya, hirap na hirap siya kumilos lalo na at wala ang kanyang mga gamit na dinala at mas lalong nainis ang konedyante nang kinailangan niyang maligo.
Mabuti na nga lang daw ay may nahiraman si Donita ng damit ngunit wala siyang hiniram na underwear.
“Ang hirap kumilos ng wala yung mga gamit ko…so naglinis na ko ng katawan syempre magpapalit lahat so buti na Lang May t shirt na nahiram Kasi gabi na Wala na mabilhan.. so need ko mag palit ng panty.. so alangan manghiram ako Di ba? Sooooo alam na!” chika pa ni Donita.
Talagang bakas na bakas ang pagkainis at pagkairita ng vlogger dahil nasira na ang kanilang trip.
“Bahala na kayo.. Bahala na kayo sa bagahe ko! Sira ang itenerary namin!” hirit pa ni Donita.
Ngunit mukha namang sa kabila ng mga nangyaring aberya ay nagiging masaya na siya sa kanyang bakasyon sa Bohol.
Makikita sa kanyang IG post ang larawan kung saan may kasamang tarsier si Donita sabay hugot ng “Mas masarap pa sila mahalin, sigurado kang kapit na kapit di bumibitaw.”
Sa latest post niya ay makikitang enjoy na enjoy siya sa kanyang pagdalaw sa Virgin Island, Bohol.
“Minsan sa buhay natin naging VIRGIN din naman tayo at hanggang ngayon kaya deserve ko sa Virgin Island,” sey ni Donita.
Hirit pa niya, “Mabuhay mga virgin!”
Related Chika:
Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…
Donita Nose masamang-masama ang loob kay Tekla: Nakakadurog ng pagkatao…ibinigay mo na lahat
Donita Rose napilitang pumunta sa US dahil sa kawalan ng trabaho sa Pinas
Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n’yo naman akong durugin, hindi n’yo alam ang hirap ko!