Lolit Solis feeling sad na tawaging bully sa ‘lover’s quarrel’ nila ni Bea Alonzo: I am very sorry

Lolit Solis feeling sad na tawaging bully sa 'lover's quarrel' nila ni Bea Alonzo: I am very sorry
MALUNGKOT raw ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis nang mabasa niya ang mga reaksyon ng mga netizens sa nangyayari sa pagitan nila ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa kanyang mga Instagram posts ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin hinggil sa kanilang “lover’s quarrel” kung saan marami na raw ang nakisawsaw at nakisali.

Ani Manay Lolit, marami na raw ang nadamay sa pagganti niya sa aktres at pati nga ang kanyang mga kaibigang sina Salve at Gorgy ay naapektuhan.

Pagpapatuloy niya, hanga raw siya sa kapwa talent manager na si Shirley Kuan sa alagang si Bea ngunit nalungkot siya dahil siya ang dahilan bakit ito lumisan sa PAMI.

“Maganda ang manager/talent relationship nila. Lahat ng gulo dahil sa mga nasabi at nasulat ko sa IG. Na sad lang ako na dahil sa akin nag resign si Shirley Kuan sa PAMI. Tiyak ko na kahit paano apektado ang mga members,” saad ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Sad ako na itinuturing akong BULLY, dahil kahit kelan hindi naman nabago ang ugali ko. Sad ako na iyon iba kailangan maging plastic dahil gustong ipakita na ayaw nila makisali, pero alam mo na mas matimbang ang loob nila kay Shirley at sa mga kakampi nito.”

Bagamat malungkot ay aminado rin si Manay Lolit na baka nga naging OA siya sa mga naisulat at nasabi patungkol kay Bea.

“Pero isang bagay na masasabi ko Salve at Gorgy, mas nalungkot ako sa pagdamay ni Shirley Kuan sa inyong dalawa. Overboard na para bang dahil malapit kayo sa akin, dapat kayong idamay ni Shirley Kuan,” chika pa niya sa isa niyang IG post.

At tuluyan na ngang humingi ng tawag si Manay Lolit sa kampo nina Bea at sa lahat ng mga nadamay sa pagitan nila ng aktres.

Sey niya, “Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos. Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunod sunod ang kagagahan sinulat ko kay Bea Alonzo. For that, I Am Very Sorry.”

Lahad pa ni Manay Lolit, “Naisip ko na ang tinamaan si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at nasulat ko. At dahil Mahusay at Matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinag tanggol niya ang kanyang alaga.”

At ayon pa sa kanya, ang pinakamagandang ginawa raw ni Shirley ay ang ipatanggal siya sa presscon kung saan nasali sina Gorgy at Salve.

“Brilliant idea, very intelligent move from a very successful number 1 manager , Shirley Kuan. Now, the rest is history. Ako na ngayon ang bully. Ako na ngayon ang may sala. To think na favorite loveteam ko ang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. To think na para sa akin isa si Bea sa may pinaka magandang mukha sa showbiz. Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat,” sey ng talent manager.

Paglilinaw pa niya, wala siyang sama ng loob o galit sa Kapuso actress.

“Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo. Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya, I Am Very SORRY. Ako lang ang may kasalanan, huwag na ninyo isali sila Salve at Gorgy,” sabi ni Manay Lolit.

Hirit pa niya, “At please, tigilan na ninyo ang pagiging plastic, sa buhay, dapat nasa kanan, o kaliwa ka lang. Iyon mga nasa gitna, umiiwas lang dahil mga duwag sila na ayaw madamay. Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga.”

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Lolit Solis nagtataka kung bakit tinatawag na ‘bully’: Never akong nagbago

Cristy kinontra si Lolit sa tambalang Alden-Bea, payo sa kaibigan: ‘Wag ka nang bibili ng stress, unang kalaban ng katawan natin yan

Lolit Solis nag-sorry na kay Bea, pero bumanat sa mga plastik: Ako lang ang may kasalanan, nagsimula sa akin dapat sa akin din magtapos

Read more...