Mga reyna mula Vietnam naghatid ng tulong sa mga ulila sa Maynila | Bandera

Mga reyna mula Vietnam naghatid ng tulong sa mga ulila sa Maynila

Armin P. Adina - October 18, 2022 - 11:21 AM

 

Naghatid ng saya ang Vietnamese beauty queens na sina Nguyen Huynh Kim Duyen (itaas) at H’Hen Nie sa mga alaga ng A Home for the Angels sa Maynila

Naghatid ng saya ang Vietnamese beauty queens na sina Nguyen Huynh Kim Duyen (itaas) at H’Hen Nie sa mga alaga ng A Home for the Angels sa Maynila./ARMIN P. ADINA

NAPUNO ng ganda at ligaya ang A Home for the Angels sa Maynila noong Okt. 4 nang sumipot ang Pilipinang reynang si 2015 Miss Earth Angelia Ong kasama sina 2018 Miss Universe finalist H’Hen Nie at 2022 Miss Supranational second runner-up Nguyen Huynh Kim Duyen mula sa Vietnam para sa isang outreach activity.

Lumipad pa-Maynila ang Vietnamese para mag-photoshoot, ngunit sinamantala nila ang pagkakataon upang maipagpatuloy sa Pilipinas ang kanilang tungkulin bilang mga beauty queen.

Dumalo rin sa event, na tinawag na “Xin Chao, Manila,” sina 2014 Miss Manila KC Halili at 2022 Miss World Philippines Tourism Justine Felizarta upang sumama sa pakikihalubilo sa mga ulilang tatlong taong gulang pababa.

Maningning ang ngiti ni Nguyen Huynh Kim Duyen kapiling ang mga bata

Maningning ang ngiti ni Nguyen Huynh Kim Duyen kapiling ang mga bata./ARMIN P. ADINA

Sinabi ni Ong sa Inquirer na si Nguyen Huynh ang mismong nagsulong ng charity event habang nasa Pilipinas para sa isang photoshoot.

“She feels like it was the perfect time to have an outreach while they’re here, and make the visit more meaningful,” sinabi ng Pilipinang international queen sa isang panayam ng Inquirer sa Ilustrado restaurant sa Intramuros, Maynila, kung saan nananghalian ang mga reyna pagkatapos ng outreach project.

Ibinahagi ni Ong na ang mga kaibigan niya mula sa Vietnamese fashion industry ang tumulong sa kapwa niya international queens nang naghahanap sila ng makakausap sa Maynila upang makapagsagawa ng charity event.

Inaabutan ni H’Hen Nie ang isang paslit sa orphanage

Inaabutan ni H’Hen Nie ang isang paslit sa orphanage./ARMIN P. ADINA

Agad na naisip ng Pilipinang reyna ang matalik na kaibigan sa mundo ng pageantry, si Ladylyn Riva-Tieng, na kasama sa board ng A Home for the Angels sa Maynila.

Nakikipagtulungan na si Ong kay Tieng, maybahay ni Manila Rep. Irwin Tieng, para sa iba’t ibang charity projects kasama si Halili.

Para sa pagdalaw nila sa A Home for the Angels, kumatok din si Nguyen Huynh sa Ho Chi Minh City-based food company na Vifon upang madagdagan ang donasyon niya para sa orphanage. Sinabi ni Ong na isang supplier sa Maynila ang tumulong sa paghahatid ng kahon-kahong noodles para sa charity event.

Nagbigay din si Nguyen Huynh ng hindi tinukoy na halaga ng salapi bilang tulong-pinansyal niya sa orphanage, kung saan din nila nasilip ang kulturang Pilipino sa pamaamgitan ng mga sayaw na itinanghal ng mga kabataang mula sa maralitang pamilya.

Tinatanggap ni A Home for the Angels administrator Myrna Verecio (kaliwa) ang donasyon ni Nguyen Huynh Kim Duyen na sinamahan nina (mula kanan) Angelia Ong at H’Hen Nie.

Tinatanggap ni A Home for the Angels administrator Myrna Verecio (kaliwa) ang donasyon ni Nguyen Huynh Kim Duyen na sinamahan nina (mula kanan) Angelia Ong at H’Hen Nie./ARMIN P. ADINA

Sinubukan din ng Vietnamese queens, at ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto na sumipot din sa event, ang pagsasayaw ng Tinikling. Manghang mangha sina H’Hen at Nguyen Huynh sa tila mapanganib na sayaw na ginagamitan ng mga kawayang ipinapalakpak.

Ikinagalak din ng dalawang reyna ang pagtatanghal ng mga binatilyo ng maglalatik, at ginaya pa ang mabilis na pagkilos ng mga braso ng mga mananayaw mula sa kanilang kinauupuan.

Makaraan ang pagtatanghal, inilabas ng orphanage ang mga alaga nila upang makisalamuha sa mga reyna at magsalo sa sorbetes at taho, na handog ng mga Pilipinang reyna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang ikalawang pagdalaw ni H’hen sa bansa, habang una ito para kay Nguyen Huynh.

Kinatok ni Nguyen Huynh Kim Duyen ang Vietnamese food company na Vifon upang magdagdag ng donasyon para sa orphanage

Kinatok ni Nguyen Huynh Kim Duyen ang Vietnamese food company na Vifon upang magdagdag ng donasyon para sa orphanage./ARMIN P. ADINA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending