Jho Rovero at Andrew Schimmer
“DIYOS ko, Panginoon, tulungan N’yo po kami. ‘Wag n’yo pong pababayaan ‘yung asawa ko,” ang bahagi ng dasal ng aktor na si Andrew Schimmer para sa kanyang misis na si Jho Rovero.
Ito’y matapos nga niyang madiskubre ang nangyari sa asawa kahapon na naging dahilan ng muling paglala ng kundisyon nito isang linggo lang ang nakararaan matapos ma-discharge sa ospital.
Ang paniniwala ng pamilya nina Andrew ay dahil umano ito sa “kapabayaan” ng isang nutritionist na hindi niya pinangalanan.
Ibinalita ni Andrew sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Facebook na muli nilang isinugod sa ospital at inilagay sa Intensive Care Unit (ICU) ang asawa dahil biglang tumaas ang lagnat nito.
“For transfer na po sha sa ICU now. God plss protect Her…I will do anything, plsss heal Her again. give Her back to me you promised,” ang caption na isinulat ng aktor sa kanyang FB post.
Sa isa pa niyang video ito naman ang nasabi ni Andrew, “Paano namang hindi lalagnatin ‘yung tao? Can you imagine, ito ‘yung laman ng kidneys mo? Diyos ko, kawawa. Tingnan n’yo manas na manas ‘yung ano niya oh, kawawa naman.”
Dito na nga nabanggit ng aktor ang ginawa umano ng nutritionist kay Jho, “Saan po dadalhin ng pasyente ninyo itong 6 grams of sodium na ‘yan? Saan? Paki-explain naman.
“As a result, sobrang taas ng creatinine level niya ngayon. Tingnan n’yo naman, hirap na hirap ‘yung tao. Ang ganda-ganda ng lagay nito nitong isang araw.
“Diyos ko, Panginoon, tulungan N’yo po kami. ‘Wag n’yo pong pababayaan ‘yung asawa ko. Hindi niya po kasalanan ito, negligence itong nangyari sa kaniya ngayon,” ang dasal ni Andrew.
Muli, humiling si Andrew sa mga netizens na ipagdasal ang asawa at ang tuluyang paggaling nito na dapat daw sana’y nasa recovery stage na.
Wala pang inilalabas na official statement ang tinutukoy na nutritionist ni Andrew. Bukas ang BANDERA sa panig ng lahat ng taong involved sa isyung ito.
Kung matatandaan, na-confine sa ICU ng St. Luke’s Medical Center sa BGC, Taguig si Jho matapos makaranas ng matinding asthma attack, na nagresulta sa atake sa puso at brain hypoxia.
Dahil dito, nanghingi ng tulong pinansiyal si Andrew upang makalikom ng panggastos sa pagpapagamot ng asawa. Umabot sa milyun-milyon ang kanilang hospital bills.
Misis ni Andrew Schimmer muling isinugod sa ICU 1 linggo matapos makauwi mula sa ospital
Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na
Asawa ni Andrew Schimmer nakauwi na mula sa pagkaka-confine, Julius Babao nagpaabot ng tulong