Angelica shookt padede mom: Mas mahirap siya kesa sa labor, grabe yung sakit na titiisin mo para mapakain ‘yung anak mo

Angelica shookt padede mom: Mas mahirap siya kesa sa labor, grabe yung sakit na titiisin mo para mapakain ‘yung anak mo

Angelica Panganiban at Baby Bean

NAGBIGAY ng updates ang mga first-time parents na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa madlang pipol tungkol sa mga kaganapan ngayon sa kanilang pamilya.

Aminado ang engaged couple na super challenging ang pagiging mommy at daddy pero enjoy na enjoy naman daw sila sa pag-aalaga sa bagong-silang nilang anak na si Baby Bean.


Sa kanilang latest YouTube vlog, naikuwento nina Gregg at Angelica ang mga naging eksena nang isama nila ang anak nang mag-date sila kamakailan.

Kabilang na nga riyan ang mga realization ng Kapamilya actress sa pagiging padede mom. Napatunayan niya na hindi pala talaga biro ang breastfeeding lalo na nitong mga unang linggo ng pagdede ni Baby Bean.

“’Yung breastfeeding kasi parang mas mahirap siya kesa sa labor kasi ‘yung labor alam mo may katapusan, alam mong parang 24 hours maximum siguro tapos ka na.

“Pero ‘yung breastfeeding parang wow ilang taon ‘tong commitment na gagawin mo. ‘Yung discipline, ‘yung commitment, ‘yung pain na titiisin mo para mapakain ‘yung anak mo,” paglalarawan ni Angelica sa pagpapadede sa anak.

Naikumpara pa niya ito sa pagod na nararamdaman niya noong active na active pa siya showbiz.

“Parang puyat na ako ever since six years old ako pero iba pala ‘yung puyat ‘pag may inaalagaan kang bata.

“Meron kang ganoon kalaking responsibilidad. Parang wala kang naririning kung hindi yung hikbi niya, ‘yung mga konting mga sounds na gagawin niya talagang magigising ka,” ang rebelasyon pa ng celebrity mommy.

Samantala, nagbigay din ng update sina Angelica at Gregg sa fake social media account na gumagamit sa pangalan nila at sa mga content nila sa YouTube para makapangloko at makapanghingi ng pera sa kanilang subscribers.

Anila, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw muna nilang ipakita sa publiko ang mukha ni Baby Bean.

“As much as gusto namin siya i-share sa inyo dahil proud na proud kami sa kanya, hindi namin magawa kasi sobrang sasama yung loob ko nu’n.

“Kasi baka ma-trigger yung post-partum ko nu’n kapag nakita ko siya sa isang fake page na hindi kami at ang ginagawa is nanghihingi ng pera sa mga inosenteng tao,” paliwanag ni Angelica.

Isinilang ni Angelica ang first baby nila ni Gregg nitong nagdaang September samantalang noong October 8 naman nila in-announce ang kanilang engagement.

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

Angelica hindi na kumuha ng kasambahay: Natuto akong maglaba at maglinis habang nagluluto

Aktres pinababayaran sa kaibigang reporter ang ibinigay na pabaon sa ibang bansa: Wala na akong pera!

Read more...