DJ Chacha nakabili na ng sariling bahay: Mabuti talaga si Lord sa mga taong masisipag at patas ang galawan sa mundo

DJ Chacha nakabili na ng sariling bahay: Mabuti talaga si Lord sa mga taong masisipag at patas ang galawan sa mundong ito

Ang bagong bahay ni DJ Chacha kasama ang pamilya

MATINDING hirap at sakripisyo ang pinagdaanan ng radio personality na si DJ Chacha o Czarina Balba sa tunay na buhay bago nagkaroon ng sariling bahay.

Ibinahagi ng partner ni Ted Failon sa radyo ang ilang detalye bago nila nabili ang kanilang dream house at kung anu-ano ang kinailangan nilang pagdaanan para makamit ang kanilang pinapangarap na bahay.

Sabi ni DJ Chacha, ang asawa talaga niya ang nag-push sa kanya na hintayin ang tamang panahon para sa pagbili nila ng sariling house and lot.

“Still can’t believe that now we have our own home. Hindi naging madali pero lahat ng hirap at sakripisyo ay worth it.


“Mabuti talaga si Lord sa mga taong masipag at patas gumalaw sa mundong ito,” ang caption ng radio DJ sa litrato ng kanilang napakagandang tahanan.

Talaga raw pinag-ipunan nila ito nang bonggang-bongga, “Bago kami nagkaroon ng sarili naming bahay naranasan rin naming makitira sa bahay ng Parents ko…

“Naranasan din naming mag-rent ng studio type apartment na ang tanging laman ay isang kama na walang bedframe, 1 lamesa at 2 upuang gawa sa plastik,” pagbabahagi pa niya.

Sabi pa ni DJ Chacha, totoong-totoo ang kasabihang “patience is a virtue” at siyempre kasama na rin daw diyan ang walang katapusang pagdarasal at pananampalataya sa Diyos.

“Buti na lang nakinig ako sa asawa ko na wag magmadali, na wag mainggit sa ibang mga taong may sarili ng bahay.

“Kaya habang hinihintay namin yung perfect timing, wala kong ibang ginawa kung hindi magtrabaho, mag-ipon at magdasal,” sabi pa ni DJ Chacha.

DJ Chacha hinamon ng ina ni Heaven: Mag-tag kayo kung talagang matapang kayo, wag puro parinig!

DJ Chacha dinipensahan si Jake Cuenca sa mga bashers: Konting simpatya naman dyan

DJ Chacha naaksidente habang nagbibisikleta sa Bulacan: Ang lala talaga ng mga lubak!

Read more...