Daddy Bonoy game na game sa TikTok dance video, netizens naaliw: ‘Dancerist yarn?’

Alex Gonzaga, Daddy Bonoy

Alex Gonzaga, Daddy Bonoy (PHOTO: Instagram/@cathygonzaga)

ALIW na aliw ang madlang pipol sa latest video ng Gonzaga sisters kasama ang kanilang tatay na si Daddy Bonoy.

Sa Instagram post ni Alex, ibinandera niya na kumasa sila sa TikTok dance craze na “Jiggle Jiggle challenge.”

Tawang-tawa ang netizens dahil mapapanood sa umpisa ng video na mukhang game na game na sumayaw si Daddy Bonoy, pero ‘yun pala ay isang step lang ang masasayaw niya habang bigay na bigay sa pagasayaw ang magkapatid.

May caption pa si Alex na “epal lang talaga tatay namin.”

Biro naman ng isang netizen, “Parang nag stretching lang si Daddy B.”

May nag-comment din na sinabi na “Daddy B lang sakalam.”

Tuwang-tuwa rin ang isang ito na nagsabing “Muntik ng nagsabay sabay eh HAHAHAHAHAHAHA Danceriststs talaga si Tatay Bonoy eh.”

May humanga rin at sinabing, “Daddy Bonoy lang nagdala.. Hahaha.”

As of this writing, wala pang isang araw ang viral video ni Alex, pero umaani na ito ng halos 86,000 likes sa Instagram.

Habang mayroon na itong mahigit 825,000 views at 56,000 likes sa TikTok.

Read more:

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Alex Gonzaga may patutsada sa mga may ayaw sa kanya: That’s okay as long as you still like yourself

Alex Gonzaga nakipagkulitan kay Yassi Pressman, nag-open ukol sa pagkakawala ng anak

Read more...