Manny Pacquiao siga sa isang Korean variety show: ‘Who’s the boss here?!’

Manny Pacquiao's guest appearance in 'Knowing Bros'

Manny Pacquiao’s guest appearance in ‘Knowing Bros’ (PHOTO screengrab from Knowing Bros’ Youtube)

NAGING hot trending topic nanaman sa mundo ng Twitter ang “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao.

Inilabas na kasi ng Korean variety show na “Knowing Bros” ang pasilip ng kanyang “guest appearance.”

Sa trailer, makikitang siga ang datingan ng boxing legend na pumasok sa isang classroom at nakasuot pa ng “school uniform.”

Mapapanood din sa trailer na nagkaroon pa ng “boxing match” si Pacman at ang ilang cast ng nasabing variety show.

May netizen na kaagad ipinost ang trailer ng episode ni Manny at sinabing “looking forward” din siya sa teaser ng isa pang “guesting” ng dating senador sa Korean variety show na “Running man.”

“knowing bros already released their teaser with manny pacquiao lol running man, most probably tomorrow ashsbsajsbaj this is so weird,” sey sa tweet.

May isa pang nagsabi na hindi niya akalaing magsasama sa isang episode ang boxing legend, dating miyembro ng K-Pop girl group “2NE1” Sandara Park at K-pop idol na si Kim Yohan.

Sey sa post, “never once in my life thought i’ll see manny pacquiao, dara and yohan in one frame BRUH.”

Gulat na gulat naman ang isa ng netizen at nagtaka kung bakit nandoon si Manny.

“now why the hell is manny pacquiao on knowing bros,” sabi sa tweet.

Kamakailan nag-viral sa social media ang ilang “behind-the-scenes” photos nina Manny at Sandara na nagkakaroon ng “recording” para sa isang episode ng nasabing variety show.

Bukod sa “Knowing Bros,” inaabangan din ng mga pinoy ang isa pa niyang guesting sa “Running Man” na mapapanood sa October 23.

Read more:

‘Pambansang Kamao’ meets ‘Pambansang Krung Krung’, Manny Pacquiao in demand sa South Korea

Sandara Park nalungkot nang malamang nasa listahan siya ng ‘7 wealthiest female K-Pop stars in the world’; P1.2B ang net worth?

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Read more...