Rica Peralejo napa-’throwback’ sa wedding nila ng asawang pastor: Some things don’t change!

Rica Paralejo- Bonifacio

PHOTO: Instagram/@ricaperalejo

BINALIKAN ng dating aktres na si Rica Peralejo ang isa sa “memorable moment” ng kanyang buhay.

Ito ‘yung ikinasal siya sa pastor na si Joseph Bonifacio mahigit isang dekada na ang nakakaraan.

Sa Instagram ay nag-post si Rica ng “throwback” wedding photos at ikinuwento pa na pareho sila ng kanyang asawa na mahilig sa libro.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit hugis-libro ang kanilang wedding cake.

Sabi niya sa caption, “Throwback to our wedding cake,  @josephbonifacio and I connected largely on the level of information, knowledge, books.

“So it was only natural that one of the main reasons of our coming together would appear at the wedding haha!”

Ayon pa sa kanya, labing tatlo na silang kasal at hanggang ngayon ay mahilig pa rin sila sa libro.

Ito raw ang isa sa mga katangian nila na hindi pa nagbabago.

Chika niya, “To this day, almost 13 yrs later, we still love books.

“We still have a hard time getting rid of books even if reality says we cannot read them all anyway.

“Some things don’t change!”

Sa YouTube vlog naman niya na ibinahagi noong October 9, sinabi rin niya na “very significant” ang kanilang cake bilang couple.

Sey niya, “All of the books that were like put on that cake, ginaya niya ‘yung mga mga cover ng books na ‘yun were actually very significant to us as a dating couple.”

“That was like one of the ways that we connected kasi,” dagdag pa ni Rica.

Matatandaang nakilala si Rica sa kanyang mga pagganap sa ilang teleserye ng ABS-CBN kagaya ng “Mula Sa Puso, “Kay Tagal Kang Hinintay,” at “Marinella.”

Nakasama din siya sa ilang sitcoms tulad ng “Oki Doki Doc,” at “OK Fine Whatever.”

Taong 2010 ikinasal si Rica at mayroon siyang dalawang anak.

Read more:

P5k budget ng magdyowang nagpakasal sa Rizal viral na; wedding ring nabili sa halagang P999

Heart Evangelista hindi na raw isinusuot ang wedding ring nila ni Chiz Escudero?

Jason Abalos, Vickie Rushton natupad ang dream wedding: ‘Simple, laidback and lowkey’

Read more...