AGA: Di ako taksil kay CHARLENE! | Bandera

AGA: Di ako taksil kay CHARLENE!

Ervin Santiago - October 01, 2013 - 03:00 AM


NAPAAMIN ng entertainment press si Aga Muhlach sa isyu ng “pakikipag-flirt” sa ibang babae. Ayon sa TV host-actor, hindi naman daw maiiwasan ng isang lalaki ang “makipaglandian” sa mga girls, lalo na raw kapag maganda at seksi.

Kahapon sa presscon na ibinigay ng TV5 kay Aga bilang host para sa new season ng kanilang travel show na Pinoy Explorer at ng bagong reality game show na Let’s Ask Pilipinas na hit na hit ngayon sa Amerika, sinabi ng aktor na kung minsan ay talagang hindi niya makontrol ang paghanga sa ibang babae.

Pero mabilis namang sinabi ni Aga na kahit kailan ay hindi niya pinagtaksilan ang asawang si Charlene Gonzales, “I must admit, I got attracted din sa iba, lalo na kapag maganda talaga. But that’s it, it stops there.

Nakikipagbiruan ako, nakikipag-flirt, but hindi ‘yung tulad ng iniisip n’yong flirt, you know what I mean? Ganu’n lang. “Pero ‘yung ano (makipag-date sa ibang girl), wala.

Kasi alam n’yo si Charlene, napakabait na asawa, kahit kailan hindi niya ako sinigawan o inaway dahil sa selos. So, kapag ganu’n gagawa ka pa ba ng problema, iwas ka na, huwag nang gumawa ng kalokohan,” sey pa ni Aga.

Tungkol naman sa pagkatalo niya sa nakaraang eleksiyon, dinenay ni Aga na hanggang ngayon ay nagagalit pa rin siya sa mga nakalaban niya sa politika, totoong umaasa siya ng positibong resulta sa election protest na isinampa nila sa Comelec, pero siniguro niya na naka-move on na siya.

“Yes, the protest is there. At bahala na ang mga kinauukulan du’n. Sabi ko nga, marami akong natutunan, marami akong nakita at napatunayan. Like ‘yung maruming laro, ako mismo nakita ko, na-experience ko.

“Ngayon, lumalabas na yung dumi nila. Nakakalungkot lang. Pero hindi kami ‘yung tipong maglalabas ng pera, gagawin lahat ng aksiyon para pumanig sa amin ang Comelec, that’s it. Tama na, move on na,” dagdag pa.

Nilinaw din ni Aga ang natsismis na sa senado naman daw siya tatakbo sa susunod na eleksiyon, “Naisip ko hindi siguro para sa akin ang Senado.

Pero du’n sa ilang lugar na pinupuntahan namin para sa Pinoy Explorer, senator ang tawag nila sa akin, parang biruan lang namin.”

Pero sey pa ng TV host-actor, kung aalukin siya ng pamahalaan na humawak ng isang government post, “Why not! Kung kaya ko rin lang gawin, kung sa tingin ko may magagawa ako, bakit hindi.

Kung kaya kong gampanan ang ibibigay nilang trabaho sa akin, I would love to do it!” Samantala, pagkatapos ng New York sojourn ng Pinoy Explorer kung saan nakasama nga ni Aga ang tatlong malalaking celebrities sa local showbiz – sina Sharon Cuneta, Lea Salonga at Derek Ramsay – ngayong darating na Oct. 6, abangan ang 2-part Romblon adventure ng buong tropa.

Makaka-join sa bonggang trip na ito ang sikat na volleyball sweetheart na si Gretchen Ho at ang national women’s football player na si Natasha Alquiros.

Samahan ang buong grupo sa pagtuklas nila sa tinaguriang Romblon Triangle, ang misteryosong bahagi ng karagatan ng Romblon kung saan naganap ang ilan sa pinakamalalaking trahedya sa bansa.

Magbabahagi rin sina Gretchen at Natasha ng kanilang kaalaman sa sports sa mga batang estudyante ng Cawayan Elementary School. Lahat ‘yan at iba pang nakakaaliw na adventure as Pinoy Explorer tuwing Linggo, 6 p.m. sa Weekend Do It Better ng TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending