Gillian Vicencio aminadong nakakaramdam ng pagod sa pag-aartista: Gusto kong maramdaman na may resulta ‘yung pagta-trabaho ko

Gillian Vicencio aminadong nakakaramdam ng pagod sa pag-aartista: Gusto kong maramdaman na may resulta ‘yung pagta-trabaho ko
ANG suwerte ni Gillian Vicencio o mas nakilala bilang si Tox sa TV series na “2 Good 2 Be True” dahil unang sabak palang niya sa audition para sa karakter niyang multo sa pelikulang “Eerie” ay siya ang napili mula sa 200 na nag-audition.

Ang Eerie ay pelikula nina Bea Alonzo at Ms Charo Santos-Concio na idinirek ni Mikhail Red na ipinalabas noong 2018.

Base ito sa panayam ni Gillian kay Ogie Diaz para sa YouTube channel nito na in-upload nitong Huwebes ng gabi.

Kuwento kasi ni Gillian kay Ogie ay sa squatter’s area sa Quiapo sila nakatira na tabi ng ilog at talagang ang bahay nila ay yari sa kahoy at sobrang enjoy niya ang childhood niya dahil naglalaro sila ng lutu-lutuan ng mga kalaro niya.

“Kahit po doon kami nakatira, ‘yung education na ibinigay ng magulang namin ay maganda naman,” sambit ng dalaga.

At natanong ni Ogie kung paano nadiskubre si Gillian at napunta ng ABS-CBN.

“May kaibigan po ako na may kakilala na ‘yung anak po niya nagko-commercial, in-open niya po sa akin ‘yung commercial, siya po.

“Nag-aaral po ako sa UST (University of Sto. Tomas) doon na rin po ako nag-high school and then kinuha ko pong course was education tapos po nakilala ko ‘yung professor nagbebenta siya ng hoodies tapos may mga models siya tapos may sinend siya sa akin na audition for Eerie, so, doon nap o nagsimula (lahat) nag-try po ako tapos awa ng Diyos ako po ‘yung napili as ‘Eerie’ bilang multo.

“After ‘Eerie’ po kinuha ako ng Star Magic tapos nag launch po ang Star Magic Circle 2019 tapos may binigay po sila sa akin na digital series na Kargo po ang title at first time ko rin ako ‘yung lead,” kuwento ni Gillian.

Aminadong sobrang kabado dahil dumating siya sa point na tinanong niya ang sarili niya kung, “kaya ko ba? Para sa akin ba itong mga ginagawa ko dito? Magaling ba ako dito? Ang dami po kasi (artista) na magagaling talaga (at) magaganda na talentado talaga. Pero siyempre ibinigay ‘yung opportunity bakit ko naman tatanggihan?”

At dito na nagtulOy ang karera niya pagkatapos ng “Eerie” at “Kargo” ay nasundan ng “Hellcome Home”, “Hello Stranger”, at itong “2 Good 2 Be True” bukod pa sa ilang “Maalaala Mo Kaya” guestings.

Ilang taon palang si Gillian sa showbiz career niya nabanggit niyang hindi naman niya talaga gustong mag-artista dahil pakiwari niya ay hindi niya nagagawa ang gusto niya para sa sarili.

Inamin nitong walang natitira halos sa kinikita niya, “most of my income po ibinibigay ko po kila mama kasi siyempre po nagkaroon na kami ng sariling bahay, so, ‘yung mga expenses kailangan po for that.”

Naging emosyonal si Gillian sa tanong kung ano ang pangarap niya sa magulang niya, “siyempre po gusto kong magaan ang buhay nila. May mga pangarap din po sila sa buhay na gusto nilang makamit.

“Nahihirapan po ako kasi may mga gusto rin akong bilhin na hindi ko po mabigay sa sarili ko na kailangan din kasi nila (magulang) kasi ang bata rin nilang maging mag-asawa, nagkaroon ng anak, gusto ko rin pong ibigay ‘yung saya.

“Kaya sabi ko, bata pa naman ako, e, sila ilang taon na. Tapos hanggang ngayon nagta-trabaho pa rin sila para sa amin, kaya sabi ko (sarili), ‘bigay ko muna ‘to (lahat ng income).

“Pero ‘yun nga lang po, may mga pagkakataong na nakakapagod din. Nakakapagod magtrabaho, nakakapagod magbigay ng emosyon, nakakapagod makipag-usap, gusto mo ring huminga,”paliwanag ng dalaga.

Pero sa kabiglang banda ay naisip din ni Gillian ang naging kalagayan ng magulang niya noon na wala silang tigil sa pagta-trabaho para sa kanilang magkakapatid ay baka ganu’n din ang nararamdaman nila na hindi nagkaroon ng pagkakataong makahinga tulad ng gusto ring gawin ngayon ng aktres sa sarili.

Diretsong tanong ni Ogie, ‘bakit mo nararamdaman ang pagod?”

“Baka po hindi pa ako ready magtrabaho? Kasi po hindi ko naman ginustong mag-artista, eh. Pero dahil kailangan ng pera, kailangan ng panggastos pinasok kop o,” saad ng aktres.

At dito rin inamin ni Gillian na, “may mga bagay po akong gustong gawin na pag ipinaalam ko, bawal. Gusto kong maramdaman na may resulta ‘yung pagta-trabaho ko.”

Inaming wala ring ipon ang dalaga na gusto sana niyang gawin pero hindi puwede dahil, “hindi po kaya, eh. Yung mga natitira po sa akin pambayad ko lang din po ng bills ko. Baka po nabigla rin ako na ganito na kalaki ‘yung kinakaharap kong responsibilities or problems baka kailangan ko lang po ng hinga.”

Hindi rin kayang makapag-travel ni Gillian kahit sa out of town lang para makapag=isip.

“Wala pa po akong budget for that, eh. Kailangan ko pang pag-ipunan pa,” sagot ng dalaga.

Sa tanong ni Ogie, ‘hindi ba nangyayari na ‘yung parents mo ang nag-iipon for you?’

“Hindi po kasi lahat may pinaglalaanan talaga,” saad nito.

Biglang dumami raw kasi ang bayarin nila tulad ng hinuhulugang bahay, kuryente, pagkain, tubig at iba.

“Bago po ‘yun kasi nga sa squatter’s area lang kami nakatira rati. Alam ko po naga-adjust pa rin sila sa mga gastusin,”pahayag ni Gillian.

Bukod tanging ang bunsong kapatid niya ang napagsasabihan niya ng mga hinaing niya tulad ng napapagod na siya sa tapings na ayaw niya kasing i-open sa magulang niya para hindi makadagdag sa iisipin nila.

Sana maisip ni Gillian na konting tiis sa mga hirap na nararamdaman niya dahil maraming may gusto sa puwesto niya ngayon dahil maraming artista na ang tagal-tagal na pero hindi nabigyan ng chance na maging bida tulad ng Eerie at Kargo plus umingay lalo ang pangalan niya dahil napasama siya sa KathNiel movie na “2 Good 2 Be True”.

Related Chika:
Gillian Vicencio aminadong laking Quiapo, may chance nga bang maging dyowa si Yves Flores?

JC Alcantara nang-ghost ng young actress na dine-date noon: Iniisip ko muna ‘yung sarili ko that time

Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards?

John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

Read more...