Miss Universe Spain 2022 Alicia Faubel ‘pusong pinoy’ pala

Miss Universe Spain 2022 Alicia Faubel

Miss Universe Spain 2022 Alicia Faubel (PHOTO: Instagram/@alicia.faubel)

NAGULAT at hinangaan ng madlang pipol ang pambato ng Spain sa Miss Universe 2022 na si Alicia Faubel.

Paano ba naman kasi, magaling pala siya magsalita ng tagalog!

Recently lang ito nalaman ng pinoy netizens matapos siyang mag-post sa Instagram ng isang video na namamasyal sa Pilipinas.

Mapapanood din sa video na masaya niyang kinakausap ang isang bata habang kumakain sila ng “street food.”

Caption pa ni Alicia, “Mabait at sobrang sweet si Kuya Patrick! Sa susunod mag mukbang tayo ng toknene.”

Karamihan sa mga nag-comment sa video ay mga Pinoy na bumilib hindi lang sa pagiging “fluent” ni Miss Spain sa tagalog, kundi pati na rin sa kanyang ginintuang puso.

Sey ng isang netizen, “Ang sweet mo, Mama! Rooting for you to win! Deserve mo! I love your advocacy rin.”

Tuwang-tuwa rin ang isa at sinabing, “Ang cute…You are so sweet Queen… You are not a Filipino blood but you captured our heart as a Filipino.”

Biro naman ng isa pa, “Grabe Pwede ka na ba namin ampuninnn dito sa Pilipinas? Hahaha.”

Ilang araw na nandito sa bansa si Miss Universe Spain para dumalo sa ilang charity events at fashion show kasama ang ating pambato na si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.

Sa isang Instagram post noong October 5 ay proud niyang sinabi na bagamat hindi siya tunay na Pilipino, naging parte na sa kanyang puso ang Pilipinas.

Nakwento rin niya na kaya siya marunong mag-tagalog dahil nanirahan siya sa ating bansa ng halos tatlong taon.

Chika niya sa IG, “Finally after two years of waiting I am back to the Philippines. 

“Manila was home for me for almost 3 years and even though I don’t have Filipino blood my heart has always been part of the Philippines, and once again it doesn’t fail to make me feel like it’s my own home.”

Tuloy pa niya, “The hospitality and the warmth of the people never stops to mesmerize me, and even though I am only going to stay this time for a few days will try to make the most out of it and share every moment of it with you guys.”

Nakatakda sa Enero sa susunod na taon ang Miss Universe 2022 pageant sa New Orleans sa Amerika.

Read more:

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi kinilalang ‘Woman of Style and Substance’: Beauty should always go beyond physical appearance

Beatrice Gomez nag-dinner with Miss Universe Vietnam 2021: ‘I’m finally reunited with my hype girl’

Beatrice Gomez binalikan ang winning moment sa Miss Universe PH 2021: ‘I would do it all over again with my sisters’

Read more...