Iconic band Queen ‘binuhay’ ang unreleased song ni Freddie Mercury

Iconic band 'Queen'

Iconic band ‘Queen’ (PHOTO: Instagram/@officialqueenmusic)

TILA parang nahalungkat sa lumang baul ang bagong kanta ni Freddie Mercury, ang namayapang frontman ng iconic band na “Queen.”

Ang title ng naturang kanta ay “Face It Alone” na inilabas noong October 13.

Sa isang panayam ay naikwento nga ng gitarista ng banda na si Brian May at drummer na si Roger Taylor ang tungkol sa nawalang kanta ni Freddie.

Sabi nila, na-record ang kanta noon pang 1980 habang ginagawa ang chart-topping album na “The Miracle.”

Kwento pa nila na nakita nila ito habang naghahanap ang production at archive team ng banda para sa reissue ng “The Miracle” album na ilalabas sa Nobyembre.

Sey ni Roger, “We’d kind of forgotten about this track, but there it was, this little gem. 

“It’s wonderful, a real discovery and it’s a very passionate piece.”

Masayang ibinalita rin ng banda na ang single na “Face It Alone” ay isasama nila sa kanilang upcoming reissue album ngayong taon.

Chika ni Brian, “I’m happy that our team were able to find this track (‘Face It Alone’).

“After all these years, it’s great to hear all four of us working in the studio on a great song idea which never quite got completed until now!”

Matatandaang noong 1991 pa inilabas ng bandang Queen ang 13th album na “The Miracle,” two years bago namatay si Freddie dahil sa komplikasyon sa sakit na AIDS.

Read more:

Ex-Star Magic artist at beauty queen Pearl Gonzales balik-showbiz; 3 online show ng MPJ Network aariba na

Rajo Laurel nag-reach out kay Eva Le Queen matapos ang ‘trash’ comment sa ‘Drag Race PH’: Lahat naman nagkakamali

Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano ‘Pasabog Queen’

Read more...