James Reid hot na hot sa kanyang bagong ‘Lovescene’

James Reid

James Reid (PHOTO: Instagram/@james)

HETO na nga mga ka-bandera, matapos ang limang taon ay naglabas na ng bagong album ang aktor at singer na si James Reid.

Akala niyo kung ano nanamang love scene ni James, ano?

Hindi ito ‘yung tulad sa dating nag-viral na sexy music video ng singer kasama si Fil-Am model na si Kelsey Merritt.

Ito naman ‘yung bago niyang  full-length album na pinamagatang “Lovescene.”

Sabi pa nga ni Jamess sa isang Instagram post, tungkol ito sa pinagdadaanan ng “love.”

“lovescene: a journey through the life and death cycle of love,” caption niya.

Sampung tracks ang nilalaman ng bagong album ni James, kabilang na riyan ang “cali lovin,” “fallin,” “chasin,” “always been you,” “stay,” “spotlight,” at “bring me back.”

Kasama din dito ang collaboration song with Korean singer Woosung at American singer Destiny Rogers na “hold on tight,” at “lie to me.” 

Tampok din sa album ang kantang “u & i” na kung saan nag-viral ang music video nito dahil sa ilang pasabog na steamy scenes.

Matatandaang dahil diyan ay naging hot topic sa social media ang kumalat na litrato ni James at Kelsey na isa palang eksena sa ginagawang video.

Ang “Lovescene:” ay isang follow-up sa first album ni James na “Palm Dreams.”

Si James ay isa sa mga founder ng music label company na “Careless Music” na nag-umpisa noong 2017, kasabay ng pag-release ng kanyang first album.

Ilan sa mga artist na under ng kumpanya ay sina Nadine Lustre, Liza Soberano, at Issa Pressman.

Read more:

‘Pagpisil’ ni James Reid sa nipple ng kaibigang CEO pinagpiyestahan sa socmed: Ano ba talaga koya?

James Reid kumasa sa hamon ni Mimiyuuuh matapos matsismis kay Kelsey Merritt: ‘You ready for mature roles?’

Music video ng bagong kanta ni James Reid kasama si Kelsey Merritt trending, netizens nawindang sa mga eksena

Read more...