Momshie Melai sa birthday ng kanyang ‘Best Enemy’: I’ve never feel this hate. Char lang! | Bandera

Momshie Melai sa birthday ng kanyang ‘Best Enemy’: I’ve never feel this hate. Char lang!

Pauline del Rosario |October 14,2022
facebook
share this

Momshie Melai sa birthday ng kanyang ‘Best Enemy’: I’ve never feel this hate. Char lang!

Pauline del Rosario - October 14, 2022 - 12:36 PM

TAWANG-TAWA ang madlang pipol sa mensahe ng “Magandang Buhay” TV host na si Melai Contiveros para sa kaarawan ng kanyang mister na si Jason Francisco.

Kahit away-bati ang “MelaSon” couple ay may “funny but sweet” birthday greeting naman ngayon si Melai.

Sa Instagram ay proud na ibinandera ng komedyante ang ilang sweet photos nilang mag-asawa.

Inilarawan pa nga niya si Jason bilang “best enemy” ng kanyang buhay.

Sey niya sa nakakatawang post, “Happy Birthday to the Best Enemy I’ve ever have in my life, I’ve never feel this hate and love collide in one collaboration Hahaha Char lang.

“Mabuti nalang at talagang apaka buti mong ama sa iyong mga anak dahil kung hindi talagang wala nang magiging collaboration ng Love and Hate, kundi hate nalang, Char lang.”

Tuloy pa niya, “Happy Bday Papang always remember mawala na lahat sayo andito kami mananatiling mag-iingay sa buhay mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Kitang-kita rin sa comment section ang mga pagbati ng maraming fans, gaya ng isang netizen na sinabing paborito niyang loveteam ang MelaSon, sey niya “My favorite loveteam ever since! Happy Birthday, Mr. Pogi!”

May nag-birthday wish din na sana raw ay magkaroon pa ng isa pang anak ang couple, sabi niya “Baby number 3 na po para MelaiX3 na!”

Bukod sa fans, maraming kapwa-celebrities din ang bumati kay Jason, kabilang na sina Regine Velasquez-Alcasid, Darla, Gab Valenciano, at Geneva Cruz.

Nagsimula ang “love story” ng celebrity couple sa reality show na “Pinoy Big Brother” noong 2009.

Ikinasal ang dalawa noong 2003 at naghiwalay matapos ang tatlong taon.

Pero makalipas ang isang taon ay muli silang nagkabalikan.

Sa pitong taon ng kanilang pagsasama ay biniyayaan sila ng dalawang anak.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinoy viewers may powers makialam sa ‘The Chosen One’ nina Melai at Jhong: ‘You get to play God!’

Melai, Jhong, ex-PBB housemates mananakot sa ‘The Chosen One: Ang Piliserye ng Bayan’

Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending