Mahinang sex appeal? | Bandera

Mahinang sex appeal?

Joseph Greenfield |September 30,2013
facebook
share this

Mahinang sex appeal?

Joseph Greenfield - September 30, 2013 - 02:24 PM

Sulat mula kay Alexei, ng Kauswagan, Lanao
del Norte
Dear Sir Greenfield,
Mahina nga ba ang aking sex appeal?  Sa edad kong 29 na, hindi pa ako nakatitikim ng lalaki.  Masakit mang aminin, lungkut na lungkot na ako.  Ang sabi ng amiga ko ay wala raw akong dating sa lalaki.  Parang ibig ko nang maniwala.  Siguro totoo nga ang sinasabi ng mga kaibigan ko kahit may hitshura naman daw ako mahina raw ang sex appeal ko kaya bihira lang ang manliligaw ko.  Gusto ko na pong magka-boyfriend kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Kailan po ba ako magkaka-boyfriend at sino ang una at huling magiging boyfriend ko? Sana ay matulungan ninyo ako kung kailan ako magkakaboyfriend, dahil sa larangan ng pag-ibig may karapatan din naman akong lumigaya at ayaw kong tumandang dalaga.
Umaasa,
Alexei, ng Kauswagan, Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
 Palmistry:
Magkaka-boyfriend ka at hindi ka dapat matakot o kabahan na baka hindi ka na magka-boyfriend at tumandang dalaga na lang.  Malinaw at makapal naman ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa edad mo ngayon, maaaring hindi pa panahon upang ikaw ay magka-boyfriend, subalit sa takdang panahong ang kapalaran din ang naglaaan, tiyak ang magaganap magkaka-boyfriend ko at makapag-aasawa.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Three of Hearts at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taon 2014, sa buwan ng Enero hanggang Marso tiyak ang magaganap, isang kayumanggi at guwapong lalaki ng magiging boyfriend mo.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending