K Brosas tuloy ang demanda sa dating contractor ng bahay: Kailangan ko ng hustisya, hindi puwedeng ganun-ganu’n na lang!

K Brosas tuloy ang demanda sa dating contractor ng bahay: Kailangan ko ng hustisya, hindi puwedeng ganun-ganu’n na lang!

K Brosas

NATAPOS na ang simpleng bahay na ipinatayo ng TV host-singer na si K Brosas na nagsimula pa noong 2019.

Dapat sana ay makakalipat na siya noong 2020 base sa usapan nila ng dati niyang contractor pero hindi iyon nangyari dahil naloko umano siya.

“Mahabang panahon bago ito natapos, alam n’yo naman ang pinagdaanan ko. Hindi ako nagsalita kasi bawal sa kaso, so, bago ang aking contractor,” say ni K through her YouTube channel na opinost niya nitong Linggo ng gabi.

Matatandaang taong 2021 ay ibinahagi ni K na binayaran niya nang buo ang contractor na inirekomenda sa kanya kaya buo ang tiwalang ipinagkaloob ang hard-earned money na aabot sa mahigit P7 million.

Ipinakita ni K sa kanyang social media account na hindi tinapos ng contractor ang bahay na laking-gulat niya noong pasyalan niya ito ay puro poste pa lang at hindi pa puwedeng tirhan.

Nanlumo at nagalit si K, kaya pala hindi na nakikipag-usap sa kanya ang contractor ay dahil hindi nito tinapos ang bahay gayung bayad siya nang buo.

Nagsampa ng kaso ang singer na hanggang ngayon ay dinidinig pa sa korte. Ang tanging nasabi ni K ay, “Sa dati kong contractor, God bless you. Nakademanda pa rin po siya at huwag kayong mag-alala minsan matagal ang hustisya pero darating din ‘yan kasi 1,000% siguradong makakamit natin ang hustisya kaya kalma lang.


“Sa mga hindi nakakaalam may kontrata kami (nakademandang contractor), ilang milyon ‘yun pangatlo, ilang milyon ulit dinagdag ko para matapos ito (muwestra ang buong bahay).

“Kailangan ko talaga ng hustisya hindi puwedeng ganun-ganu’n na lang ‘teh salamat sa mga nag-cheer sa akin, salamat sa well-wishers na maraming natuwa dahi nag-post ako ng bagong bahay,” sabi ng singer at TV host.

Nabanggit pa ni K na sa mga gustong magpagawa ng bahay ay ipon-ipon lang dahil ganu’n din kanyang ang ginawa. At sa edad na 47 ay heto’t may sariling bahay na siya na dapat sana ay three years ago pa natapos.

“Don’t spend more than what you earned, mag-ipon, mag-ipon!” payo ni K sa mga planong magpagawa ng bahay.

Sa kanyang pa-house tour sa unang palapag ng bahay ay ipinakita niya ang mga regalo ng arkitekto ng bahay niya at painting na bigay naman ng abogado niya.

Wood ang motif ng bahay ni K at inaming puro bago ang furnitures niya maliban sa ilang pieces na binaha na ng bagyong Ondoy.

“Na-Ondoy po ako, iyon ang isa sa lowest point ng buhay namin, back to zero talaga,” sambit ni K habang inililibot ang camera sa kabuuan ng sala, dining at kitchen.

Mag-isa na lang kasi si K sa bahay niya pero may kasamang assistant dahil ang nag-iisa niyang anak ay may sarili na ring tirahan.

https://bandera.inquirer.net/292754/k-brosas-kinasuhan-na-ang-contractor-ng-di-matapos-tapos-nyang-bahay

Read more...