Jhong todo pasalamat kina Regine at Ogie: Hindi makapaniwala ang tatay ko na kaharap kayo habang kumakanta

Jhong todo pasalamat kina Regine at Ogie: Hindi makapaniwala ang tatay ko na kaharap kayo habang kumakanta

Jhong Hilario, Ogie Alcasid at Regine Velasquez

WALANG kasing saya ang “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario dahil sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Nag-celebrate kasi ng 80th birthday ang father ni Jhong at pinaunlakan nina Regine at Ogie ang imbitasyon ng TV host-actor and dancer para handugan ng kanta ang kanyang ama.

Labis-labis ang tuwa ni Jhong dahil napagbigyan naman nina Regine at Ogie ang kanyang request para sa kaligayahan ng kanyang tatay.

Higit siyang natuwa dahil nakita niya ang kanyang ama na sobrang napasaya sa presence nina Regine at Ogie. Kinantahan nila ang birthday celebratot at naki-jamming pa si Jhong.


“To Sir @ogiealcasid and Ate @reginevalcasid ako at ang buong pamilya Hilario lalo na si Papa na nag-celebrate ng 80th bday ay walang kasing saya.

“Hanggang pag uwi ng bahay ay hindi makapaniwala. Hindi sila makapaniwala na nasa harap nila kayo habang kumakanta.

“Maraming maraming salamat. We love you! God bless you more!”

That was Jhong’s caption sa kanyang Instagram where he shared photos taken during the birthday celebration.

Maging ang IG followers ni Jhong ay super happy sa kanilang nakita sa post ng “It’s Shwotime” host.

“Happy birthday idol sa father mo at congratulations po singer ka na pala.”

“Sana may vlog ka nito idol.”

“Happy birthday to your papa @jhonghilario best wish and Godbless y’all!!!! Hope to see you again jhong.”

Very accommodating naman sina Regine at Ogie sa mga kapwa nila celebrities.

Hindi sila maramot kaya naman well-loved sila sa industry. Isa pa, kasama ni Jhong si Ogie sa “It’s Showtime” kaya mas napadali ang imbitasyon niya para sa birthday ng kanyang ama.

https://bandera.inquirer.net/315065/jhong-hilario-sinorpresa-ang-mga-kaibigan-sa-pagbabalik-sa-its-showtime-vice-ganda-napaiyak

https://bandera.inquirer.net/309534/jhong-hilario-natalisod-pero-hindi-halata-tumabling-at-nagpatuloy-sa-pangangampanya

https://bandera.inquirer.net/317057/vice-ganda-nasubsob-sa-stage-ng-its-showtime-habang-rumarampa-muntik-mangudngod-sa-camera

https://bandera.inquirer.net/313827/jhong-alay-sa-yumaong-kapatid-ang-pagkapanalo-sa-makati-kathryn-napasigaw-sa-2-good-2-be-true

 

Read more...