Hiling ni Erik Santos sa madlang pipol para sa kaarawan…ipagdasal ang paggaling ng inang may sakit
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Erik Santos
KAARAWAN ni Erik Santos ngayong araw, Oktubre 10 at ang tanging hiling niya ay ang tuluyang paggaling ng kanyang nanay na hindi niya binanggit kung ano ang sakit.
Si Erik ang kasama ng magulang niya sa bahay nila dahil ang ibang kapatid nito ay may kaniya-kaniya nang pamilya at ang iba ay nasa ibang bansa. Kaya naman sobrang nag-iingat ang binatang mang-aawit sa paglabas-pasok niya sa bahay nila.
Tanda namin noong huli namin siyang makatsikahan ay nasabi niya na hindi siya basta lumalabas kung hindi importante dahil nga baka pag-uwi niya ay may dala na siyang virus lalo’t may edad na ang tatay at nanay niya.
Aminadong praning siya noong kainitan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, mabuti na lang at may mga bakuna na, pero hindi pa rin pala sapat ito dahil may mga nagpopositibo pa rin kahit bakunado na.
Sa “ASAP” nitong Linggo ay humingi ng prayers si Erik para sa agarang paggaling ng pinakamamahal na ina.
“I would like to ask for prayers for my mom for her complete healing. ‘Yung kantang ‘Wind Beneath My Wings’ ‘yun po ‘yung kanta ko sa kanya.
“It’s been so challenging for the family for the past months and gusto kong maging masaya siya, so, kapag napanood niya ’to alam kong magiging masaya siya dahil ‘yung kantang ‘to and on my very special day I would like to honor her (emosyonal) and to say that I love you so much, Mommy.
“Nandito lang kami para sa ’yo. You are our hero together with Tatay and I want you to know that you have been and will always and forever be the wind beneath our wings. We love you and kaya natin ‘to. Kapit tayo,” pahayag ni Erik.
Samantala, isa ang kapatid ni Erik na si Hadiyan Santos sa guest sa birthday celebration nito sa “ASAP” at ang mensahe ng dalaga ay, “Happy birthday every year lagi kong sinasabi na I’m very thankful na ikaw ‘yung kuya ko and I really mean it lalo na nga ngayon. Grabe ko nakikita ‘yung pag-aalaga mo sa’min laluna kay Mommy. Gumagawa ka talaga ng time for us.
“Super namin naa-appreciate ‘yun and alam ko minsan na naiisip mo palagi kang nandito for us pero sa’yo feeling mo mag-isa ka always remember na I’m here for you and kahit hindi tayo masyadong nag-o-open up or naghe-heart to heart talks willing akong makinig sa’yo always, I love you,” aniya pa.
Panalangin din namin ang agarang paggaling ng mommy ni Erik at binabati rin namin ang binata ng maligayang kaarawan.