Diego Loyzaga naloka sa paggamit ng plaster sa sex scenes; Franki Russel walang kaarte-arteng nagpasilip ng boobs

Diego Loyzaga naloka sa paggamit ng plaster sa sex scenes; Franki Russel walang kaarte-arteng nagpasilip ng boobs

Diego Loyzaga at Franki Russel

NA-CUT ang ipinagmamalaking butt exposure ng hunk actor na si Diego Loyzaga sa bagong Vivamax Original movie na “Pabuya” kasama si dating “Pinoy Big Brother” housemate Franki Russell.

Napanood namin ang pelikula sa ginanap na private screening last October 5 sa Gateway Cineplex kung saan humarap ang cast members at ang direktor nitong si Phil Giordano.

Bago pa nagsimula ang screening ng “Pabuya” ay sinabi na ni Diego sa audience na abangan daw ang pagpapakita niya ng pwet sa isang eksena nila ni Franki pero hindi nga ito napasama sa final cut ng pelikula.

“Actually, meron pa yun, e. Pero sa grace ni Direk, kinut nya yata. Meron talaga akong kitang-kita yung pwet ko, e. Maybe sa director’s cut ng movie na ito maipapakita yun,” paliwanag ni Diego.

Pero in fairness, ito na nga ang pinaka-daring na pelikula ng binata lalo na ang mga sex scenes nila ni Franki kung saan napalaban din sa hubaran at churvahan ang dalaga nang bonggang-bongga.

Natanong si Diego kung may mas itotodo pa ang pagpapa-sexy niya sa mga next projects niya sa Viva,  “I think hanggang dito lang ako. Kasi, I gave it because Direk, after his first movie, this is his second pa lang, he’s still very new. And Franki, this is her first movie.

“Nu’ng nasa set kami nu’ng araw na yun, sabi ko parang ang kumportable ng lahat, ‘Sige, mag-a-adjust na rin ako. I gave in to ano… ‘Sige! Let’s go.’ I mean, para lang maganda yung shot natin,’” aniya pa.

Hindi man naipalabas ang inaasahan niyang butt exposure, aprub na aprub naman sa kanya ang love scenes nila ni Franki, “And, what I saw naman kanina it was very tasteful. It was romantic.”

Kuwento pa niya sa mga sexy scenes niya sa “Pabuya”, “I was literally wearing nothing. I was wearing nothing.”

Pero nagplaster naman daw siya na first time rin niyang na-experience, “And yo! Kudos to everybody, every artist who wears plaster yet.

“Nobody told me to use oil after. I ripped that thing off. And it will never be the same. Too much information, maybe, okay. But damn! That plaster is horrible. It’s so bad.

“They’re just like, ‘Put it on.’ So, I said, ‘Okay. How do we take it off?’ ‘Ah, pagkaligo niyo, sige, tanggalin n’yo.’ Hindi! Hindi siya matatanggal,” ang tawa pa nang tawang chika ng binata.

Isa pa sa nagustuhan ni Diego sa pelikula ay ang pagsabak niya sa maaaksyong eksena lalo na ang pagiging miyembro ng gangster.

“Sobra! Inaantay ko lang na i-recruit nila ako, e. Pero sa totoo po, I like the fact that there was action. Sana i-push ng Viva na maibalik ang action, I mean, more action pa.

“I like the whole fact that I was on the run in the entire movie. Parang may pagka-John Wick yung tema ng character ko at may pa-long hair pa ako. So, nagustuhan ko yun.

“And of course, the love. The love essence of the scene. It runs deeper than just, you know, gang, rivalry, money.

“There’s still this aspect of I had a family. Before I died, I said goodbye to my son who I love. And of course, after being betrayed once, I ran to somebody who you think you can trust but you get betrayed again, which is life, right?

“I mean, everyone in cinemas has been betrayed before by someone close to them. So, everybody in that sense can relate that sometimes life f**cking you up and you know, you get shot and die,” pahayag pa ng aktor.

Samantala, hindi rin naman mabibitin ang mga kalalakihang nagpapantasya kay Franki dahil wala ring kaarte-arte ang dalaga sa paghuhubad. Sa pelikula, nagpasilip din siya ng boobs habang nagse-sex sila ni Diego.

Mapapanood na ang “Pabuya” sa Vivamax kung saan makakasama rin nina Diego at Franki sina Felix Roco, Thor Gomez, Marco Gomez, Andrea Garcia, Billy Villeta, Jr., Chad Alviar, Aivy Rodriguez, Sujin Kwon, Ayesha Aure at Shiela Snow, sa direksyon ni Phil Giordano.

https://bandera.inquirer.net/323834/diego-loyzaga-nagpaka-wild-franki-russel-nangapa-sa-paggawa-ng-sex-scenes-sa-pabuya

https://bandera.inquirer.net/326192/franki-russell-tinanong-si-diego-loyzaga-mahal-mo-ba-ako
https://bandera.inquirer.net/315268/banat-ni-diego-sa-netizen-na-nagsabing-mabilis-magpalit-ng-dyowa-same-brief-isang-taon-ba-dapat
https://bandera.inquirer.net/315365/diego-loyzaga-inaming-nasa-dating-stage-na-sila-ni-franki-russell
Read more...