Gold Aceron sumusumpang straight at babae pa rin ang gusto; Kych Minemoto tumangging aminin ang sexual preference

Gold Aceron sumusumpang straight at babae pa rin ang gusto; Kych Minemoto tumangging aminin ang sexual preference

Gold Aceron at Kycgh Minemoto

DIRETSAHANG sinabi ng award-winning actor na si Gold Aceron na straight siya at babae pa rin ang gusto niya kahit na nata-typecast siya sa mga gay roles.

Ngunit ang kanyang co-star naman sa latest offering ng Viva Films na “May-December-January” na si Kych Minemoto ay tumangging sagutin ang tanong kung ano ang kanyang sexual prefernce.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press sina Gold at Kych kamakailan at hindi nga naiwasang itanong sa kanila ang tungkol sa kanilang gender lalo’t may temang LGBTQIA+ ang bago nilang pelikula.

Una munang sinagot ng dalawang aktor kung nakaramdam ba sila ng pagkailang o pandidiri sa mga ginawa nilang love scenes sa “May-December-January” na isinulat ng National Artist na si Ricky Lee at idinirek ni Mac Alejandre.

Sagot ni Gold, “Sobrang kumportable ko kay Kych kasi bukod sa kaibigan ko na siya before pa lang mag-start yung May-December-January and laban na laban talaga ako nung ginawa namin yung eksena na yon.


Aniya pa, “Hindi ako nagdalawang-sip. Walang kaba, walang takot, walang pandidiri. Ang naramdaman ko that time, excited ako, focused talaga ako kung anong dapat maibigay ko na feelings or emotion that time na ginagawa namin yung intimate scene na yon. Kasi bago namin gawin yon ang daming pinagdaanan nung karakter namin sa kuwento.

“Kaya nu’ng ginagawa namin siya naka-focus ako kung saan ba ito nanggaling, anong bigat nito na kailangan kong maramdaman?

“So ayun, hindi ko naisip yung awkwardness, eh, lalo na close talaga kami ni Kych, eh, so parang wala talaga sa akin. Go lang naman talaga ako kahit ano, eh,” katwiran ng binata.

“Kasi mahal ko talaga ang pag-arte, eh. Sobrang love ko ang acting, eh, so go lang ako,” katwiran ni Gold na nag-best actor na sa Cinema One Originals para sa pelikulang “Metamorphosis” noong 2019.

Bukod dito, win din siyang best actor sa FAMAS at Pista ng Pelikulang Pilipino para pa rin sa nasabing movie.

Ayon naman kay Kych, hindi rin siya nailang sa intimate scenes nila ni Gold sa “May-December-January”, “Ako naman, sinasaabi ko talaga lagi kay Gold kunyari nabu-brought up tapos napag-uusapan namin ‘to, sabi ko, ‘huwag na kasi nating pag-usapan.’

“Kasi may mga thoughts talaga na papasok at papasok, eh. Pero yung awkward sa amin ni Gold wala rin talaga, kasi kilalang-kilala ko si Gold kung alam n’yo lang guys. As in sobrang close talaga kami ni Gold.

“Yung awkwardness kasi siguro in-apply ko siya do’n sa eksena which is yon yung kailangang hindi mawala sa straight man, eh. Si Gold naman kasi yung character niya hindi awkward, eh. Kumbaga, may gigil siya kasi matagal na niyang gusto na gawin yon sa akin.

“At saka feeling ko ang isang bagay na nakatulong kaya hindi kami na-awkward sa bawat eksena is Direk Mac, kung paano niya kami i-treat. Kung paano niya pagsabihan yung mga tao sa production… yung pag-alaga rin talaga, importante rin talaga yon as an actor na ma-feel mo na may respect pa rin sa mga ganung intimate scenes,” mahaba niyang paliwanag.

At sa tanong nga kung ano talaga ang kanilang sexual preference, unang sumagot si Gold  “Straight po ako!” Aniya, tulad din siya ng isang normal na gut na naging karakter niya sa “Scorpio Nights 3.”

Para naman kat Kych, “This time, ayoko na lang pong sagutin if I’m straight or not. I think, it’s not important.”

“Feeling ko, 2022 na, i-normalize na lang natin kung ano ang sexuality ng bawat isa. Kung ano iyan, alright, so be it. If hindi, so be it, kasi parang nakakapagod din na lagi po akong tinatanong ng ganyan.

“And ang feeling ko, hindi naman nakakaapekto ng kahit ano kung makasagot man ako o hindi.

“I’m an actor so kahit ano naman po ang ibigay sa akin na role, as long as kaya ko siyang gampanan, kaya ko siyang gawin, it’s a job,” lahad ng aktor.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “May-December-January” simula sa Octobee 12 kung saan gaganap na anak ni Andrea del Rosario si Gold habang si Kych ang magiging ka-love triangle nila sa pelikula.

https://bandera.inquirer.net/320553/gold-aceron-bagong-alaga-ni-kean-cipriano-super-idol-sina-robin-at-coco

https://bandera.inquirer.net/325968/mayasimpa-andrea-del-rosario-game-na-game-pa-rin-sa-love-scenes-hot-mama-sa-edad-na-44

https://bandera.inquirer.net/324923/gold-aceron-nag-enjoy-sa-love-scene-nila-ni-kych-minemoto-hindi-ako-nandiri-sa-kanya-yung-puwet-niya-pinisil-pisil-ko-pa

https://bandera.inquirer.net/314447/alex-diaz-game-na-game-sa-love-scenes-its-not-gonna-work-if-youre-not-completely-invested

 

 

Read more...