Target ni Tulfo ni Mon Tulfo
THERE’s a word to describe Sen. Noynoy Aquino’s refusal to live in Malacanang when he takes over the reins of government: “OA” o over-acting.
Maaaring hindi na uso ang katagang “over-acting”, pero magagamit pa rin ito in the case of Noynoy Aquino na ayaw tumira sa Malakanyang.
Gusto raw ni Noynoy na umuwi pa rin ng Times Street sa Quezon City kahit na siya’y Pangulo na.
Hindi naman puwedeng gawin ni Noynoy na di tumira sa Malakanyang dahil ito’y laan para sa Pangulo ng bansa.
Para niya ring sinabi na ayaw niyang maging Pangulo.
Parang siya yung hari na ayaw umupo sa trono na simbolo na kapangyarihan.
Ang Malakanyang ay simbolo ng pagiging Pangulo, kaya’t sa ayaw niya’t hindi, dapat siya ay tumira rito.
* * *
Sinasabi ni Noynoy na may “negative vibes” ang Malakanyang dahil siguro ito’y tinirhan ng isang napaka-corrupt na lider bago sa kanya.
Hindi katuwiran yan. Kung gusto niyang maalis ang mga negative vibrations sa Malakanyang ay puwede naman niya itong ipa-fung shui o, dahil siya’y Katoliko, ay ipa-bless sa pari.
Hindi niya dapat tanggihan ang isang bagay na ibinibigay sa kanya bilang Pangulo ng Pilipinas.
* * *
Isang dahilan kung bakit dapat tumira si Noynoy sa Malakanyang at di sa ibang lugar habang siya’y Pangulo ay ang kanyang kaligtasan.
Ligtas si Noynoy sa kapahamakan sa Malakanyang dahil ito’y guwardiyado.
Kung matigas ang kanyang ulo at titira pa rin siya sa Times Street, inilalagay lang niya ang kanyang sarili at kanyang mga kapitbahay sa panganib.
It goes without saying that being the President has its inherent dangers. Maraming sira-ulo na gustong saktan ang Pangulo for political or personal reasons.
Siyempre, kapag may tangka sa buhay ni Noynoy bilang Pangulo baka madamay ang kanyang mga kapitbahay.
Maging mature ka naman sa iyong pag-iisip, Mr. President-elect.
* * *
Binigyan ni outgoing Finance Secretary Margarito Teves ng unsolicited advice si President-elect Noynoy.
Sabi ni Teves, dapat ay taasan ni Noynoy ang mga buwis upang magkaroon ng pera ang gobyerno.
Huwag sanang maniwala si Noynoy kay Teves.
Ang totoo, hindi makontrol ni Teves ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs, agencies which are under the Department of Finance.
Meron kasing sindikato na nagpapatakbo sa BIR at customs bureau at walang magawa si Teves.
Ang sindikato, na involved sa smuggling at tax evasion, ay may basbas ng Malakanyang.
Kung hindi ninyo mahulaan kung sino ang lider ng nasabing sindikato ay mahina ang inyong pakiramdam.
* * *
Di na kailangan na itaas ang mga buwis.
Dapat lang ay alisin ang mga magnanakaw diyan sa BIR at customs bureau.
Kapag naalis ang mga opisyales at empleyado na kawatan sa mga nasabing ahensiya, tataas ang revenue collections ng gobyerno.
More than one-half of what is due the government in tax and duty collections goes to the pockets of corrupt BIR and customs officials and employees.
Kahit katiting man lang sa kinukurakot ng mga kawatan sa BIR at customs ay mapunta sa gobyerno ay magsu-shoot up ang koleksyon ng buwis at taripa.
Dapat bantayang maigi ni Noynoy ang BIR at customs upang ang tamang buwis at taripa na ibinabayad ng mamamayan ay mapunta sa gobyerno at hindi sa bulsa ng mga kawatan.
Bandera, Philippine News, 060110
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.