Wilbert Tolentino kinampihan si Herlene Budol: Lahat ng sinabi niya on air ay totoo!

Wilbert Tolentino kinampihan si Herlene Budol: Lahat ng sinabi niya on air ay totoo!

NAGSALITA na ang bagong talent manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino ukol sa isinampang reklamo ng kanyang alaga sa dati nitong handler.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi nito ang kanyang statement patungkol sa pagrereklamo ni Herlene kay Tulfo laban sa dati nitong talent manager.

“Ako si Wilbert Tolentino manager ni Herlene Hipon Budol mula nung Enero 2022, ang magpapatunay na binigyan na ni Herlene sa datin nyang manager na mahabang pagkakataon para ayusin ang mga payment,” umpisa niya.

Pagkukuwento ni Wilbert ay kinita pa raw nila ang dating manager ng dalaga sa isang restaurant kung saan parehas silang may bitbit na abogado.

“Pero walang proper endorsement kaya kahit ako nangangapa at takot din makipag-close dea sa mga inquiries dahil ayokong may masagasaan kaming brand na previous commitment,” pagpapatuloy pa niya.

Matatandaang dumulog si Herlene sa “Wanted Sa Radyo” upang ireklamo ang dating manager niya na hindi siya binayaran at lumalabas pa na siya ang may utang na dapat bayaran.

Lahad pa ni Wilbert, lahat ng sinabi ng dalaga sa kanilang pag-uusap ni Sen. Raffy Tulfo ay totoo.

“Lahat po ng sinabi ni Herlene on air ay totoo po dahil nakita ko rin na pinapirma siya sa bakanteng papel kaya inedicate ko si Hipon na wag na wag po nyang gawin ito baka ikapahamak pa niya,” sey niya.

Nilinaw rin niya na dalawang tao ang nagbigay ng raket sa dalaga at parehas na process ang ginawa sa kanya.

“Pinapirma siya sa bond paper at magkaibigan sila ng ex manager niya kaya lesson learned po ito kay Herlene na dapat mag-iingat po sa mga transaction,” chika pa ni Wilbert.

Isa pa sa mga nilinaw niya ay wala siyang kinukuhang commission sa kanyang mga alaga maging kay Madam Inutz at nais lang niyang tulungan ang mga alaga na makaahin aa kahirapan.

“Paggabay, pagmamahal, pagtatanggol, pagpoprotekta ay garantisaso andyan ako para sa kanila,” dagdag pa ni Wilbert.

Sa huli ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga sumusuporya at nagmamahal sa kanilang tatlo ng mga alaga.

Related Chika:
Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Herlene Budol niregaluhan ng house & lot ng talent manager: Sobrang speechless ako!

Wilbert umapela sa kumu voting sa ‘PBB’: Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong

Read more...