Melissa Gohing, Rocco Nacino excited na sa first baby, pak na pak sa maternity shoot

Rocco Nacino, Melissa Gohing maternity shoot

Rocco Nacino, Melissa Gohing maternity shoot (PHOTO FROM IG: @nacinorocco)

EXCITED na sa kanilang first baby ang volleyball star na si Melissa Gohing at Kapuso aktor na si Rocco Nacino.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Rocco ang ilang pictures at videos ng maternity photoshoot nilang dalawa.

isang linggo nalang ang inaantay ng mag-asawa bago isilang ang kanilang baby boy.

Saad pa ni Rocco sa isang post, “practicing talking to you my son…

“Don’t worry I won’t make that irritating baby voice when we talk, or maybe I will, if I can’t help it.”

Inilahad din ng aktor sa isang post na ready na siyang maging daddy.

Sey niya, “Ready to go through this whole new ride!”

Sa recent YouTube vlog naman, ibinahagi ng first-time parents ang kanilang “letter” para sa anak.

Ayon kay Rocco, “Son, Daddy will be here to support you, for whatever you want to achieve in life.

“Always know that we will be your biggest fans.”

Sabi naman ni Melissa, “I might only carry you inside me for nine months, but I will hold you inside my heart and love you unconditionally forever.”

Taong 2020 nang ma-engage ang celebrity couple matapos ang tatlong taong romantic relationship.

Ikinasal sila noong Enero ng nakaraang taon.

Read more:

Juancho pinayuhan si Rocco sa nalalapit na panganganak ni Melissa: Parehas kasi kami ng pinagdaanan…

Rocco kabadung-kabado na sa nalalapit na panganganak ni Melissa; humingi ng daddy tips kina Juancho at Dennis

Gender reveal para sa anak nina Rocco Nacino at Melissa Gohing idinaan sa ‘prank’: We’re having a baby BOY!

Read more...