PINABULAANAN ng fashion designer-model na si Dominique Cojuangco ang mga kumakalat na chika patungkol sa diumano’y pagbubuntis niya.
Diretsahang sinagot ng dalaga ang tanong sa isa sa kanyang Instagram post kung totoo nga ba ang chismis ukol sa kanya.
“Dom, are you having a baby because at Cristy Fermin vlog she keeps mentioning that your Mum is grandmother soon?” tanong ng isang netizen kay Dominique.
Sey niya, “Lol, no baby. Just working full-time at The Collective.”
Nagbigay rin ng mensahe si Dominique sa kolumnista.
Aniya, “Cristy Fermin needs to find better ways to fill her time.”
Kumalat kasi ang chikang buntis raw si Dominique dahil sa madalas umanong pagkakabanggit ng kolumnista sa kanyang mga vlogs patungkol sa pagiging soon-to-be-lola ni Gretchen.
Si Dominique ay ang unica hija ng dating aktres na si Gretchen Barretto at ng businessman na si Tonyboy Cojuangco.
Kinumpirma rin niya na sa ngayon ay nais ng kanyang ina ang magkaroon ng private life kaya tila tahimik ito ngayon sa social media.
Matatandaang noong October last year ay ibinalita ni Dominique sa kanyang Instagram post na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Hearn.
Halos apat na taon nang magkarelasyon ang dalawa bago ang kanilang naging engagement.
Sa isang panayam ni Dominique sa Lifestyle Asia, sinabi nito na hindi sila nagmamadaling magpakasal ng kanyang fiancé.
“We’re not in a hurry. In fact, I never dreamed of a wedding even as a child,” pagbabahagi niya.
Chika pa ni Dominique, “My parents never had a wedding. They aren’t married, but I think that engraved in me that it’s not about the wedding at all, but it’s about my marriage. I think it was more about like what I wanted out of a relationship.”
Related Chika:
Gretchen Barretto tuluyan nang lalayasan ang showbiz: ‘At least, hindi siya laos, hindi siya pulubi, hindi siya pangit!
Dominique Cojuangco engaged na sa non-showbiz boyfriend: For Life!
Gretchen kay Tonyboy: After 27 years na-realize ko, ginamit lang ako ng mamang ‘to!
Gretchen nagpaka-stage mother sa graduation ng anak