Gretchen kay Tonyboy: After 27 years na-realize ko, ginamit lang ako ng mamang 'to! Bandera

Gretchen kay Tonyboy: After 27 years na-realize ko, ginamit lang ako ng mamang ‘to!

Ervin Santiago |October 13,2021
share this

Gretchen kay Tonyboy: After 27 years na-realize ko, ginamit lang ako ng mamang ‘to!

Ervin Santiago October 13, 2021 - 05:31 PM

Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco

ALIW na aliw ang mga netizens sa ipinost na video ni Gretchen Barretto sa Instagram kung saan diretsahan niyang sinabi na “ginamit” lang siya ng kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco.

Mapapanood sa nasabing video si Gretchen habang nakikipagtsikahan sa kanyang mga kaibigan kung saan kasama rin nila ang business tycoon na game na game na nakipagbiruan sila.

Actually, part 2 na ito ng IG post ni Gretchen kung saan nabanggit niya ang “big revelation” tungkol sa relasyon nila ni Tonyboy. In fairness, tatlong dekada na rin silang nagsasama at biniyayaan ng isang anak — si Dominique Cojuangco.

Maririnig sa unang IG video ni Greta si Tonyboy na nagsabing, “Ang dami-daming babae dito pero sa totoo lang, si Gretchen pa rin ang pinakamaganda.”

Sa sumunod ngang bahagi ng video ay nabanggit naman ni Gretchen ang kanyang rebelasyon makalipas ang 27 taon. Dito itsinika ng aktres na “ginamit” lang siya ni Tonyboy at ito’y dahil sa kanyang ganda.

“Imagine that revelation after 27 and a half years, na-realize ko ginamit lang ako nitong mamang to,” ani La Greta.

“He said, ‘kaya ko lang naman sinamahan yan kasi ang ganda-ganda niya,'” dagdag pang chika ng aktres sabay hirit ng, “Eh, paano kapag hindi na ako maganda?” 

Hindi naman agad nakasagot si Tonyboy, kaya sey ni Gretchen, “Bingi na siya! Ha-hahaha!” 

Bago pa nakasagot ang mayamang negosyante ay nag-dialogue na ang isa sa mga kasama nilang nagdi-dinner, “But the truth is, another revelation, ikaw pa rin daw ang mas maganda.” 

Hinarap muli ni Gretchen ang kanyang partner at tinanong kung anong gagawin niya kapag dumating yung araw na hindi na siya maganda.

“Paano nga kung biglang hindi na ako maganda? Paano ‘yan Dada?” ang pangungulit ni Gretchen kay Tony.

“It’s a challenge for you,” pagsingit ng isa sa mga kaibigan nila.

Sagot naman ni Tonyboy, maghintay muna siya ay pag-iisipan daw niya nang mabuti ang kanyang isasagot, “Can I finish? Can I finish. I really need a smart answer, sabi niya. Ha-hahaha!

“Okey take your time. As long as it’s the answer I wanna hear,” ang natatawang chika pa ni Gretchen.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending