MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang reunion concert ng Eraserheads, pero pinagkakaguluhan din sa social media ang isa pang OPM rock band na “Mayonnaise.”
Ayon sa grupo, ito’y para ipagdiwang ang kanilang ika-20 anibersaryo.
Ibinandera pa nila sa Facebook na magkakaroon ng special performances ang aktres na si Sharlene San Pedro, at ilang OPM band gaya ng “647,” at “Kuatro Kantos.”
Bukod pa sa linggo, inaabangan din ng maraming fans ang ilan pa nilang libreng concert ngayong buwan.
Nakatakda silang magtanghal sa Dagupan, Olongapo, Cabanatuan, Pulilan at Muntinlupa.
Una silang nag-concert sa Caloocan City na naganap noong October 2.
Taong 2002 nang nabuo ang banda at nag-umpisa naman silang sumikat noong 2004 matapos manalo ng Grand Prize sa amateur band competition na “Red Horse Muziklaban.”
Sikat ang Mayonnaise sa mga hit songs na “Jopay,” “Binaliwala,” “Ligaya,” “Porta,” at marami pang iba.
Read more:
Fans todo reklamo sa presyo ng tickets sa reunion concert ng Eraserheads
Reunion concert ng Eraserheads limitado lang sa 50k lucky fans
Callalily, Mayonnaise, Jay Durias, Ruru Madrid nakisaya sa #2022getherSaNET25 countdown