Fans todo reklamo sa presyo ng tickets sa reunion concert ng Eraserheads
NGAYONG araw na pwedeng bumili ng concert tickets para sa inaabangang reunion ng iconic band na Eraserheads!
Pero wait lang mga ka-bandera, tila inuulan naman ngayon ng reklamo ang social media dahil sa kamahalan daw ng presyo ng tickets.
Noong Lunes, inanunsyo ng event organizer ang ticket prices na ang pinakamura ay pumapatak sa P3,050, habang ang pinakamahal ay nagkakahalaga sa P17,260.
Biro tuloy ng isang fan, “’huling el bimbo’ you mean huling kain ko na pag bumili ako ng eraserheads concert ticket???”
‘huling el bimbo’ you mean huling kain ko na pag bumili ako ng eraserheads concert ticket??? 😆
— 💭 (@muntingdalangin) October 4, 2022
Sey ng isa pang netizen, “imagine eheads playing ‘para sa masa’ pero yung ticket nila hindi pang-masa.”
imagine eheads playing “para sa masa” pero yung ticket nila hindi pang-masa 😭💀
— eunice (@NieceNodo) October 3, 2022
Ang isa naman, mukang hindi pa matutuloy sa concert.
“Enebeyen Eheads akala ko makakapanood na ako for the last time.”
Enebeyen Eheads akala ko makakapanood na ako for the last time 😔 😅 waaaaaa
Sana’y hindi nakita
Sana’y walang problema
Pagkat kulang ang Dala kong Pera Aaahhhh
Pambili ooh oooohhhh 😅😅😅😂— Player0420 (@rinker07) October 4, 2022
Kung panay rant ang ibang fans, may ilan din na dinepensahan ang banda at sinabing “deserve” at “justifiable” naman ang ticket prices para sa kanilang reunion.
Sey ng isang fan, “Eheads ticket prices are just right. It’s a reunion concert by an iconic band with only 50,000 tickets to be sold to millions of fan.”
Eheads ticket prices are just right. It’s a reunion concert by an iconic band with only 50,000 tickets to be sold to millions of fan. We still have 2 days to think whether you’ll take this once in a blue moon chance or let it pass.✌️
— Khree 🗯️ (@Khrysh_MDD) October 3, 2022
Saad naman ng isa, “Mediyo wrong din yung reaction sa EHeads reunion ticket prices na ‘International artists yarn???’”
“I think deserve din naman ng Filipino musicians maningil ng malaki. Lalo na if they earned it.
“Hindi ko lang talaga afford,” dagdag pa niya.
Mediyo wrong din yung reaction sa EHeads reunion ticket prices na “International artists yarn???”
I think deserve din naman ng Filipino musicians maningil ng malaki. Lalo na if they earned it.
Hindi ko lang talaga afford. Lol.
— Nico Quejano (@nicoquejano) October 3, 2022
Sa December 22 na ang Ehead reunion concert.
Pinamagatan itong “Huling El Bimbo” na magaganap sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.
Read More:
Reunion concert ng Eraserheads limitado lang sa 50k lucky fans
Gitarista ng Eraserheads na si Marcus Adoro nag-sorry sa pamilya at mga ka-banda: ‘Pasensiya na…’
Miyembro ng Eraserheads inireklamo ng netizens, wag daw isama sa reunion concert
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.