Relasyong Julia Barretto-Gerald Anderson solid pa rin, ibinandera ang kissing photo sa SG

PHOTO: Julia Barretto’s official instagram / @juliabarretto

HINDI pala totoo na nagkakalabuan na ang celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Pinatunayan pa nga ni Julia na sweet na sweet pa rin sila at nag-out of the country pa.

Sa Instagram, makikita ang mga litrato ng kanilang Singapore trip.

Bukod sa ilang solo pictures ng aktres, nakabandera rin ang isang litrato na magkayakap at magkahalikan pa sa may Marina Bay Sands, isang luxury hotel na may pinakamalaking infinity pool sa buong mundo.

Ilang linggo nang missing in action sa social media si Julia kaya usap-usapan na naghiwalay na umano sila ni Gerald.

Sey pa ni Julia, “Hello! Sorry no update the past few days, been on vacation mode and it’s been so nice to spend some quality time with RJ.”

“Excited to share memories collected this weekend,” dagdag pa niya.

Pumunta ng Singapore ang dalawa nitong weekend upang mapanood ang prestihiyosong motor racing event na “Formula 1 Grand Prix.”

Read more:

Bakit nga ba binura ni Dennis Padilla ang mga posts patungkol kay Julia Barretto?

Julia Barretto super ‘secured’ kay Gerald, magpapakasal na nga ba?

Julia umaming nasaktan nang sagutin ni Leon si Dennis: He’s very brave, I love him because now he’s the man of the house

Read more...