Veteran broadcaster Percy Lapid patay sa ambush
PATAY ang batikang broadcast journalist na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid matapos tambangan habang pauwi sa kanyang tahanan sa Las Piñas.
Ayon sa initial report ng Southern Police District, pinagbabaril ng isang lalaking naka-motorsiklo ang mamamahayag habang sakay ng Innova at papasok na sana ng gate ng Santa Cecilia Subdivision, BF Resort Village in Talon Dos, Las Piñas bandang 8:30 kagabi.
Ipinost din ito ng kanyang kapwa-radio broadcaster na si Marou Sarne sa kanyang Facebook account.
Aniya pa, “One of the famous commentators on radio and a former broadcaster of DWIZ 882 KHZ AM, Percy Lapid, was ambushed and died in Las Piñas City at past 8 this evening.
“He was shot twice by motorcycle-riding men while on his way to BF Resort Las Piñas where he was supposed to do his online broadcast,” dagdag pa ni Sarne.
“His last upload on his YouTube page was 6 hours ago.”
“His KBP ID and other cards named PERCIVAL MABASA were retrieved from his vehicle. He was alone in his vehicle. Rest in peace, Ka Percy,” dagdag pa niya.
Batay naman sa mga nakasaksi sa insidente, isang Toyota Fortuner muna ang bumangga sa unahang bahagi ng sasakyan ng commentator bago tabihan ng naka-motorsiklo.
Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit ito ay idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring krimen.
Kilala si Percy Lapid bilang commentator ng DWBL radio. Sa nasabing istasyon, mayroon siyang sariling news commentary program na “Lapid Fire,” kung saan madalas niyang binabatikos ang pang-aabuso o iregularidad ng gobyerno.
Read more:
Kim Chiu napaiyak sa akusasyong fake ambush: Kailangan bang mamatay kami para maniwala kayo?
Radio reporter patay sa ambush
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.