‘Mas gusto ng mga Pinoy ang seryeng nakakakilig, may agawan at kabitan…ayaw na nila ng seryosong dramahan’
SINGLE-DIGIT pala ang nakuhang rating ng programang ipinagmamalaki ng isang TV network dahil maganda raw ang istorya at higit sa lahat, malalaki ang mga artistang bida.
Ini-reveal ito sa amin ng aming source na naloka raw ang management ng istasyon kasama na rin ang management company ng mga artistang bida dahil expected nila ay mataas ang rating ng pilot episode nito lalo’t na-miss ng tao ang mga artistang involved.
Kuwento ng aming source, “Lukang-luka talaga sila (mga boss ng TV network) kasi naman ang pinanggalingang show ni ____ (aktor) ay double-digit at never na bumaba sa single-digit, pataas nga nang pataas pa, pero dito sa _____ (new serye), anong nangyari?”
Hirit namin, baka may kinalaman ang araw-araw na pagpuna ng kilalang personalidad sa leading lady at hindi ito maganda para sa imahe.
“Parang hindi naman din, sadyang hindi lang siguro type ng mga Pinoy ‘yung ganu’ng kuwento kasi masyadong seryoso. Aminin mo ang Pinoy viewers ang gusto nila ‘yung nakakakilig, kuwentong agawan o may kabitan, awayan, etcetera,” sagot ng aming kausap.
Napanood namin ang original series ng programang ginawan ng adaptation at medyo na-bore kami at tama nga ang source namin na hindi lahat ng Pinoy viewers ay tanggap ang ganitong uri ng istorya.
“Isama mo pa hindi rin naman bagay ‘yung ginawang magkaka-partner. Imagine ‘yung bidang babae mas matandang tingnan sa nakababata niyang kapatid?” sabi pa.
Teka, parang may nabasa naman kaming pumik-ap na ang programa sa ratings game, “Mababa pa rin for those two big stars. Mas mataas pa ‘yung pinalitan nilang shows.”
https://bandera.inquirer.net/304849/willie-revillame-hindi-iiwan-ang-gma-ayon-kay-cristy-fermin
https://bandera.inquirer.net/300473/bakit-nagtatakbo-si-coco-habang-kumakanta-si-sharon-at-iba-pang-cast-ng-ang-probinsyano
https://bandera.inquirer.net/316000/paolo-contis-nagpasalamat-sa-pa-kaldereta-as-a-friend-ni-yen-santos
https://bandera.inquirer.net/288662/korina-kinakarir-ang-pagpapabata-para-abutan-pa-ang-debut-nina-pepe-at-pilar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.