Robin Padilla sumailalim sa heart procedure, Mariel nagpasalamat sa mga nagdasal para sa asawa

Robin Padilla sumailalim sa heart procedure, Mariel nagpasalamat sa mga nagdasal para sa asawa
SUCCESSFUL ang naging heart procedure na isinagawa sa aktor at senador na si Robin Padilla.

Sa Instagram post na ibinahagi ng kanyang asawang si Mariel Padilla, ibinahagi nito ang isang video na kuha sa ospital.

“We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers,” saad ni Mariel.

Nagpasalamat rin ang TV host-vlogger sa lahat ng mga doktor at iba pang medical professionals sa pagtulong para maging maayos at matagumpay ang operasyon ng asawa.

Makikita rin sa naturang video ang mensahe ng kanilang dalawang anak para kay Robin.

“Tatay, I miss you, don’t forget [that]. I hope you get well,” sey ng panganay na si Isabella.

Saad naman ng bunso nina Mariel at Robin na si Gabriela, “Tatay get well soon.”

Marami naman sa kabilang mga kaibigan ang nagpaabot ng panalangin para sa agarang paggaling ni Robin.

“Praying for Kuya Sen’s complete and fast recovery,” saad ni Angelu De Leon.

Comment naman ni Karla Estrada, “Palakas ka ka agad my brother Senator Robin! Praying for you and your entire family! Love you ma! [You’re] the best mother and wifey ever!!!”

“Omg. I had no idea! Pls get well soon. Praying for a fast recovery,” sey naman ni Claudine Barretto.

Samantala, hindi naman nabanggit ni Mariel kung ano nga ba ang naging karamdaman ni Robin.

Ngunit maratansaan na naikuwento ng actor-politician habang nasa bakasyon silang pamilya noong Mayo 2022 ang nangyari sa kanya matapos siyang isugod sa ospital.

“Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno,” lahad ni Robin.

Pagpapatuloy pa niya “Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako.”

Noon nga ay naabisuhan si Robin ng limang araw na gamutan para sa kaniyang alta presyon.

Related Chika:
Robin Padilla nabwisit sa ‘barumbadong’ opisyal ng DFA: Senador ako, respetuhin mo ‘ko

Robin Padilla sa Martial Law: Mag-move on na tayo

Bakit nga ba maraming Pinoy ang bumoto kay Robin Padilla para maging senador?

Ice Seguerra, Liza Dino suportado ang laban ni Robin Padilla para maisabatas ang same-sex marriage

Read more...