Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ibabandera ang bansa sa Albania | Bandera

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ibabandera ang bansa sa Albania

Armin P. Adina - October 01, 2022 - 03:19 PM

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ibabandera ang bansa sa Albania

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez/ARMIN P. ADINA

KALIMITANG sinasalubong sa homecoming ang isang beauty queen ilang araw lang makaraang masungkit ang korona. Ngunit naranasan lang ito ni Binibining Pilipinas Globe Chelsea Fernandez nang umuwi siya sa Tacloban City isang linggo bago nakatakdang mangibang-bansa para sa international competition niya.

Iginawad sa beteranang kontesera ang korona niya sa grand coronation night ng 2022 Bb. Pilipinas pageant noong Hulyo 31, ngunti iniskedyul ang homecoming sa ikatlong linggo ng Setyembre, ilang araw bago ang flight niya papunta sa Albania para sa 2022 Miss Globe pageant. Ngunit para sa kanya, perfect timing ito.

“Perhaps the feeling would be different if it was held earlier. I think BPCI (Bb. Pilipinas Charities Inc.) scheduled it at just the perfect time. Because I saw the smiles of the ‘Taclobanons.’ Even people from faraway places in Leyte came to see me,” sinabi ni Chelsea sa Inquirer sa despedida party niya sa Niu by Vikings sa Podium sa Mandaluyong City noong Set. 28.

Ang fitness and events company na ProMedia, na sumuporta sa kanya para sa Bb. Pilipinas at sa Miss Globe, ang nag-organize ng party na dinaluhan ng ilang piling kawani ng midya at ng malalapit na tao sa kanya, kabilang ang mentor niyang si Rodgil Flores mula sa tanyag na “Kagandahang Flores” beauty camp.

“I have been representing Tacloban for so many years, and this is the first time that I got to have a homecoming,” sinabi ni Fernandez, na kinoronahan din bilang 2018 Reyna ng Aliwan, 2019 Miss Philippines Water, 2020 Miss GCQ (Gandang Contesera Quest), at 2020 Miss Bikini Philippines.

Naging “memorable” umano ang tatlong araw niya sa Tacloban City dahil sinalubong siya ng isang programang nagbubunyi sa kanyang nakamit. “I also asked to visit facilities and advocacy projects under the city government, and they granted my request,” ibinahagi ni Chelsea.

Dumalaw din siya sa women and children’s shelter sa Tacoban City, at tinagpo ang mga batang atletang kumakatawan sa lungsod sa iba’t ibang pambansang paligsahan. Nagkaroon din siya ng “meet-and-greet,” at pumunta sa iba’t ibang destinasyon tulad ng Santo Niño Shrine, San Juanico Bridge, at Yolanda marker.

Inamin ni Chelsea na kinakabahan siya sa una niyang biyahe nang mag-isa para sa una niyang pagsabak sa international pageant bitbit ang watawat ng Pilipinas. “I’m both excited and nervous. But I’m grateful to be given the opportunity to wave the Philippine flag in Albania. It excites me, and I know I will give my best in the competition,” aniya.

Tatangkain niyang mabigyan ang Pilipinas ng pangalawang kasunod na panalo sa Miss Globe pageant at masungkit ang korona mula sa kasalukuyang reynang si Maureen Montagne, ang Bb. Pilipinas predecessor niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chelsea Fernandez (@chelsfernandez_)

Itatanghal ang coronation night ng 2022 Miss Globe pageant sa National Opera and Ballet Theater sa Tirana, Albania, sa Okt. 15 (Okt. 16 sa Maynila).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez: ‘Back-to-back is hard, but not impossible’

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez binansagang ‘tough 12’ ang finalists ng pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending