Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez laban kung laban sa ‘The Miss Globe’: Hanggang dulo Pilipinas, Ipaglalaban ka!
KATATAPOS lang ng Miss Intercontinental pageant, pero lalaban naman ang Pilipinas sa “The Miss Globe 2022” competition.
Ngayong araw, Oct. 15 ang inaabangang “coronation night” ng nasabing kompetisyon at magaganap ito sa Albania.
Ang pambato naman natin diyan ay si Binibining Pilipinas Miss Globe 2022 na si Chelsea Fernandez ng Tacloban City.
Tila malaki ang tsansa ng Pilipinas na makuha ang Miss Intercontinental title ngayong taon.
Kung matatandaan, ilang beses nang nangunguna sa pre-pageant events si Chelsea.
Kabilang na riyan ang pagkapanalo niya sa “head-to-head” challenge na kung saan tinalakay ng mga kandidata ang kanilang adbokasiya.
Nakapasok rin siya sa “finals” ng talent competition, kung saan ipinakita niya ang kanyang galing sa pagkanta habang inaawit ang hit song ni Rihanna na “Diamonds.”
Sa latest Instagram post ng ating pambato, inanunsyo niya na ilang oras na nga lang ay kokoronahan na ang magiging bagong The Miss Globe.
Nabanggit niya rin sa kanyang post na siya’y masayang-masaya sa Albania dahil sa natagpuan niyang mga bagong kaibigan at pamilya.
Caption niya, “Time flies but I am extremely grateful and happy for all the new experiences, friendships, and family found here in Albania.”
Pinasalamatan rin niya ang kanyang mga pinoy supporters, sabi niya “I am forever THANKFUL for all the support that you have given me.
“I will forever cherish this moment that once in my life, I wear the country’s sash, and I am proud to take this journey with each of one you.”
View this post on Instagram
Nanawagan na rin siya na ipagdasal ang back-to-back win ng bansa sa “The Miss Globe.”
Aniya, “Please continue to pray for me.
“Hanggang dulo, Pilipinas, ipaglalaban ka.
“For the back to back!
Ang reigining “The Miss Globe” ay si Binibining PIlipinas Maureen Montagne ng Batangas.
Kanino niya kaya ipapasa ang kanyang titulo?
Read more:
Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez winner sa ‘head-to-head’ challenge
Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ibabandera ang bansa sa Albania
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.