Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez binansagang ‘tough 12’ ang finalists ng pageant | Bandera

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez binansagang ‘tough 12’ ang finalists ng pageant

Armin P. Adina - September 14, 2022 - 12:06 PM

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez/ARMIN P. ADINA

 

MARAMI ang nagsabing isa ang 2022 Binibining Pilipinas pageant sa may pinakamahigpit na labanan sa entabaldo.

Ito’y dahil sa pagdagsa ng mga beterana at mga konteserang nagwagi na ng mga national at international titles, at maging mga palabang baguhan.

Kaya naman higit na napakatamis ang mapiling reyna sa hanay ng mga kahanga-hangang kababaihan.

“Grabe hindi ako makapaniwala. Kita mo naman, lahat deserving. So iyong Top 12 masasabi mong ‘tough’ 12,” ayon kay Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez sa Inquirer sa isang panayam sa Owner’s Circle sa Araneta City sa Quezon City makaraan niyang masungkit ang kaniyang korona sa patimpalak na itinanghal noong Hulyo.

Isa siya sa mga beteranang inaabangan ng marami sapagkat hinirang na siyang 2017 Miss Tacloban, 2018 Reyna ng Aliwan, at 2019 Miss Philippines Water. Nagwagi rin siya sa dalawang virtual pageants—ang Miss GCQ (Gandang Contesera Quest) at ang Miss Bikini Philippines.

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez/ARMIN P. ADINA

Ngunit kahit naging kahanga-hanga ang naging pageant “career” niya, sinabi ni Fernandez na kinabahan pa rin siya sa final screening, “kasi hindi mo talaga alam kung matatanggap ka o hindi. Malay ba ng judges, ano bang pakialam nila sa achievements mo before? Ang tinitignan nila is kung ano iyong meron ka ngayon, kung ano ka ngayon,” ibinahagi niya.

At ngayong nakaputong na ang korona ng Bb. Pilipinas sa ulo niya, haharap si Fernandez sa isang mas malaking laban. “I’ve represented Tacloban City for how many years on different national pageants. And now that I am given a chance to represent the Philippines, hindi ko po sasayangin,” aniya.

Subalit hindi lamang simpleng pagsungkit sa isang international crown ang inaasinta niya, sapagkat isang pagtatangka sa back-to-back na panalo para sa Pilipinas ang layunin niya sa Miss Globa pageant, kung saan kasalukuyang reyna si Maureen Montagne na isa ring beterana ng pageants tulad niya.

Gayunpaman, hindi nagtatapos sa entablado ang tungkulin ni Fernandez bilang reyna. “Kasi kapag may crown ka na, feeling ko mas madali na talagang lumapit sa different organizations para i-spread and show iyong advocacy na meron ka,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gagawin na rin niya, sa wakas, ang isang proyektong matagal na niyang binabalak simulan, isang dokumentaryong sumusubaybay sa mga buhay ng mga tinulungan niya ngayong pandemya. “Naka-setup na rin iyon, nagsabi na rin ako sa Diwa, which is the organization that I am part of,” pagpapatuloy pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending