Gregg Homan pinilit ni Angelica na magsayaw sa TikTok, hindi nagpatinag: I love you but no

Gregg Homan pinilit ni Angelica na magsayaw sa TikTok, hindi nagpatinag: I love you but no
HINDI nagpatinag si Gregg Homan sa kanyang partner na si Angelica Panganiban nang ayain niya itong magsayaw at mag-video sa Tiktok.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ng aktres ang clip mula sa kanyang vlog noong ipinagbubuntis pa nito ang kanilang baby na si Amila Sabine.

Makikita sa video na nagsasayaw si Angelica sa harap ng kamera habang inaaya si Gregg.

Nakasakay sila sa kanilang boat habang nasa kalagitnaan ng karagatan.

“TikTok na tayo,” yaya ni Angelica kay Gregg habang umiindak.

Tinignan lang niya ang aktres habang nagpupunas ng katawan at sinabing “No, thank you.”

Pumasok na sa loob ng boat si Gregg at sinabing na kukunin muna nito ang kanyang cellphone.

Tila humanap lang ito ng dahilan para pansamantalang matakasan ang panlalambing ni Angelica.

“Hindi ako pinansin noong TikTok na,” lahad ni Angge.

Sa sumunod na clip ay muli itong lumabas para samahan ang dyowa.

“Dali na tuturuan kita. Halika na,” pamimilit ni Angelica.

Hindi pa rin nagpatinag si Gregg at nanindigan na ayaw niyang sumayaw sa TikTok.

“Simple lang. Halika na, dali. Ganito lang,” hirit ulit ni Angelica.

Mukhang malapit na niyang mapilit si Gregg dahil sinabi nitong gawin muna ng aktres ang steps ng sayaw at titignan niya muna.

Agad namang tumalima si Angelica at ipinakita ang kanilang gagawing sayaw sa TikTok.

Ngunit mukhang hindi na talaga magbabago ang isip ni Gregg kahit na anong pilit at kulit ni Angge sa kanya.

“No…. I love you but no,” sambit nito sabay halik sa tumatawang si Angelica.

Sa ngayon ay happy at busy ang dalawa sa pag-aalaga sa kanilang panganay na anak matapos itong isilang ni Angge noong September 20.

Excited naman ang madlang pipol na masilayan ang itsura ng kanilang baby girl dahil mata lang ang kanilang ibinahagi sa social media nang ianunsyo nila ang kanyang panganganak.

Related Chika:
Gregg Homan isinumbong si Angelica sa madlang pipol: Alam n’yo kahit buntis, bully pa rin po siya

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko

Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

Read more...