Pabibong direktor palamura na, laitero pa; aksidenteng nangyari sa shooting ipina-news blackout
NAPAHIYAW ng “grabe!” ang source namin tungkol sa nakatrabaho nitong direktor sa isang malaking project dahil “slave driver” daw ito, as in bawal na bawal daw magpahinga sa set.
“Magbabantay na lang ako ng tindahan namin o kaya bakasyon muna ako kung siya rin lang ang makaka-work ko, nawawala ang self worth ko,” ang saktong sabi pa ng aming source.
Marami na kaming naririnig na reklamo tungkol sa direktor na bida sa blind item namin dahil palamura, naninigaw at maliit ang tingin sa production.
“Gusto lagi siyang bida, pinupuri, akala mo kagaling-galing wala pa namang award bilang patunay na best director siya! Sinuwerte lang siya na laging may projects, dami nga nagtataka, eh bakit hindi siya nawawalan, paborito kasi,” pahayag ng aming kausap.
Siyempre nag-research kami kung bakit laging may project ang bidang direktor sa blind item namin, nagtanong kami sa mga naka-work at mga kapwa direktor na nakasama na rin niya in the past.
“Malakas siya kay ____ (isa sa bossing ng TV network) so, alam na this,” kaswal na sabi ng isa pang source namin.
May ikinuwento pa siya sa amin, “May nangyaring aksidente nga sa shoot niya (direktor), news blackout nga. Kasi super delikado.”
Detalyadong ikinuwento sa amin ang buong pangyayari at nakaka-shock talaga at tama lang na news black out dahil hindi ito maganda para sa show o sa imahe ng direktor.
Sana sa nangyaring aksidenteng ito sa set ng direktor, ay maging eye-opener na sa kanya na huwag siyang know-it-all at pabida baka pagdating ng araw karma na ang mag-hello sa kanya.
https://bandera.inquirer.net/298031/xian-gaza-biglang-kambyo-sa-pasabog-na-blind-item-diego-barbie-dedma-lang
https://bandera.inquirer.net/297479/joshua-binago-ang-panuntunan-sa-buhay-hindi-na-ako-papa-apekto-sa-past
https://bandera.inquirer.net/322491/rr-enriquez-inaming-siya-ang-nasa-blind-item-ni-cristy-fermin-pero-mali-ang-information
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.