Ruru kay Bianca: Siya ‘yung naging sandalan ko, kapag umiiyak ako, siya ang tagasalo lahat ng mga problema ko
ANG kanyang girlfriend na si Bianca Umali ang nagsilbing “gamot” at inspirasyon ni Ruru Madrid noong magsunud-sunod ang pagsubok sa kanyang buhay.
Bukod sa kanyang pamilya, si Bianca raw ang talagang kinapitan niya habang hinaharap ang mga problema sa kanyang personal life at showbiz career.
Sa episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel”, nabanggit ng “Lolong” lead star na palaging ipinaalala sa kanya ni Bianca na lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may kahulugan.
“Noong dumating si Bianca sa buhay ko, I stopped everything. I stopped going out, nag-focus ako sa career ko, tina-try ko ‘yung best ko ibalik ‘yung dating ako,” ani Ruru.
View this post on Instagram
“Noong time na ‘yun, nag-e-explore ako when it comes to my career, pero sa lahat, si Bianca, nandoon siya,” aniya pa.
Ito raw yung panahon na ilang beses natigil ang taping ng “Lolong” kaya nadi-delay din ang pagpapalabas nito sa GMA 7. Dahil dito, nawawalan na raw siya ng pag-asa at inaatake na rin ng depresyon.
“Siya ‘yung naging sandalan ko, siya ‘yung kapag umiiyak ako, siya ‘yung taga-salo lahat ng mga problema ko.
“Sabi niya sa akin, tandaan mo ‘tong sasabihin ko, darating ‘yan sa ‘yo. Hindi man ngayon, pero dadating ‘yan sa ‘yo dahil alam ko na binibigay mo ang puso mo sa bawat ginagawa mo,” sabi pa ni Ruru.
Samantala, pinatunayan naman ng binata na karapat-dapat siyang tawaging Action-Drama Prince ng GMA 7 dahil sa tagumpay ng “Lolong”.
Mula nang umere ito hanggang ngayong magtatapos na ay talagang hataw kung hataw pa rin sa ratings game kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Ruru at ng buong production sa lahat ng sumubaybay sa kuwento ni Lolong.
Sey pa ng Kapuso hunk, napakagandang regalo para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz ang “Lolong.”
“Sa aking ika-sampung taon ko sa industriya nabigyan ako ng oportunidad na gawin ang isang malaking proyekto ang LOLONG na maaring makapagbigay ng pag-asa at inspirasyon sa bawat manonood.
“Pero hindi naging madali ang pag gawa namin dito maraming beses na gusto ko na lamang sumuko dahil sa tagal ng pagiintay namin dito at sa dami ng problema na kinakaharap namin sa programa na ito, pero dahil sa tiwala at pagmamahal ng bawat isa sa akin at sa show na ito kahit kailan di ako bumitaw.
“Inisip ko lang na sa dami ng pagsubok na pinagdaan ko sa loob ng sampung taon ngayon pa ba ako susuko? Kaya kinaya naming lahat iyon. Natutunan ko sa pag gawa ng programa na ito na ang mga bagay ay hindi mo dapat minamadali dahil lahat ng mga bagay na nangyayari sa atin ay may DAHILAN at may TAMANG PANAHON.
“Kaya salamat sa lahat ng bumubuo ng Lolong sa lahat ng crew, staff, bosses, writers cast at sa aming mga director Aurel Ayson, Rado Peru especially Direk Rommel Pinesa na syang nagbigay ng mata sa show na ito dahil wala ni isa sa inyo ang sumuko at bumitaw sa programa na ito at Itong programa na ito ang pinaka malaking regalo na natanggap ko sa aking 10th anniversary sa industriya kasabay ng RunningMan Ph.
“Maraming Salamat sa inyong lahat na hindi bumitaw sa akin. Sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa lahat ng mga naka trabaho ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin. Mahal ko kayong lahat, at para sa inyong lahat ang tagumpay na ito. Happy 10th anniversary!” ang mensahe pa ni Ruru noong nagsimulang umere ang “Lolong.”
https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito
https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa
https://bandera.inquirer.net/317399/ruru-madrid-buwis-buhay-ang-mga-eksena-sa-lolong-ang-dami-kong-isinakripisyo-rito-ilang-beses-akong-naaksidente
https://bandera.inquirer.net/324993/christopher-de-leon-ruru-madrid-ilang-beses-nagkasakitan-sa-taping-ng-lolong-fight-scenes-nagiging-totohanan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.