Ninong Ry inaming naging tindero sa palengke: It taught me na there is no job beneath you | Bandera

Ninong Ry inaming naging tindero sa palengke: It taught me na there is no job beneath you

Therese Arceo - September 28, 2022 - 12:42 PM

Ninong Ry inaming naging tindero sa palengke: It taught me na there is no job beneath you

AMINADO ang content creator na si Ninong Ry o si Ryan Morales Reyes na bago pa niya pasukin ang mundo ng pagba-vlog ay dati na siyang naging tindero sa palengke.

Sa kanyang panayam kay Karen Davila, ikinuwento niya na siya ang nagmana ng kanilang negosyo matapos pumanaw ang kanilang ama.

Noong mga panahon raw na ‘yun ay halos kakasara lang ngrestaurant ni Ninong Ry at nakatambay lang siya sa kanilang bahay, naghihintay ng sign kung ano ang dapat gawin sa buhay.

Aniya, sobrang mahirap daw talaga ang maging wet market vendor at dapat daw may sarili kang personality dahil sa “suki system” at dapat may recall ka sa tao para balikan ka.

“Ang pagtitinda sa palengke, it taught me na there is no job beneath you. Lahat ng trabaho, gagawin mo ‘yan,” pagbabahagi ni Ninong Ryan.

Aniya, madalas raw niyang marinig ang mga sinasabi graduate siya ng La Salle ngunit nagtitinda lang siya sa palengke.

“Sa loob-loob ko, ang pagtitinda sa palengke ang nagpaaral sa akin, so hindi ito nakakahiyang bagay. Mas naaawa ako sa ‘yo kasi ganoon ‘yung tingin mo, masyadong makitid ang tingin mo sa mundo,” saad pa ni Ninong Ry.

Graduate kasi siya ng Culinary Arts mulasa De La Salle University – College of Saint Benilde.

“Ako, masaya ako na I am able to do everything, basically, without fear of judgment,” pagpapatuloy niya.

Sa ngayon ay hindi na siya nagtitinda sa palengke dahil tinutukan na niya ang mundo ng pagba-vlog at ang kanyang ina naman ang humalili sa naiwan nilang business nila sa palengke.

Isang malaking sagot nga rin ang kanyang pagpasok sa mundo ng content creation dahil naiahon niya ang kanyang sarili mula sa kanyang kinakaharap na problema noon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan (@ninongry)

Bago kasi siya maging vlogger ay galing siya sa break-up mula sa five-year reltionship at ito nga ang naging paraan niya upang kahit papaano ay makalimot at malibang.

“Naghiwalay po kami right before I started the vlog. Actually naging coping mechanism ko lang din ito. ‘Di ko siya masyadong sinasabi, pero ‘yun ang katotohanan,” lahad ni Ninong Ry.

At dahil nga galing sa break-up ay nahilig siyang lumabas para uminom at kumain dahilan para mabaon siya sa utang.

“Baon ako sa utang noon because of, you know, being young and hindi nag-iisip masyado. Nag-break kami dati ng girlfriend ko and kailangan kong lumabas, uminom, kumain. Eh wala naman akong pera, so ginasgas ko ‘yung credit card ko nang mabuti. Tapos ‘di ko naman mabayaran, nagpatong lang nang nagpatong. Pero dahil dito (vlog), nabayaran ko,” dagdag pa ni Ninong Ry.

Chika pa niya, “Naalala ko dati sabi ko, mabayaran ko lang ‘to, kahit matapos na ‘yung YouTube career ko, okay lang. Mabayaran ko lang ‘to, goods na ako.”

Pero bukod pa sa kanyang hinihingi ang ibinigay ng Panginoon kay Ninong Ry dahil ngayon ay isa na siya sa mga sikat na vloggers at content creator sa Pilipinas.

Labis rin ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya sa pagiging supportive ng mga ito sa kanyang passion at sa lahat ng mga bagay na nais niyang i-pursue.

Related Chika:
Ninong Ry sa mga kapwa chubby: Pilitin nating mahalin ang sarili natin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie, Regine nag-volunteer na bilang ninong at ninang sa kasal nina Paulo at Janine

Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama

Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending