Ogie Diaz may nakakalokang karanasan sa parking lot ng mall; Maine, Gloc-9, Morissette sanib-pwersa sa bonggang pasabog Bandera

Ogie Diaz may nakakalokang karanasan sa parking lot ng mall; Maine, Gloc-9, Morissette sanib-pwersa sa bonggang pasabog

Ervin Santiago |September 23,2022
share this

Ogie Diaz may nakakalokang karanasan sa parking lot ng mall; Maine, Gloc-9, Morissette sanib-pwersa sa bonggang pasabog

Ervin Santiago - September 23, 2022 - 09:41 AM
Ogie Diaz may nakakalokang karanasan sa parking lot ng mall; Maine, Gloc-9, Morissette sanib-pwersa sa bonggang pasabog

MAY hugot ang vlogger-talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa isyu ng mga parking slot, lalo na sa mga taong talagang nakikipag-away pa at ipinaiiral ang init ng ulo.

Ayon kay Ogie, hindi siya ang tipong makikipag-away o makikipagsagutan sa mga ganitong klaseng tao, dahil baka malagay pa ang buhay niya sa panganib.

Sa kanyang Facebook page, ikinuwento ng content creator ang naranasan niya kamakailan sa parking space ng isang mall at ang sigang lalaki na na-encounter niya.

“Basta yung nakikipag-agawan sa parking slot o yung kahit ikaw yung nauna sa slot, pero me sigang gustong umalis ka sa slot at siya ang papalit, naka-mindset na ako no’n — ibibigay ko ang slot ko kahit mali pa siya.

“Juice ko, andaming natapos ang buhay, dahil sa init ng ulo sa kalsada o sa agawan ng parking. Di bale sana kung magtatalakan lang kayo,” simulang kuwento ni Ogie.

Pagpapatuloy pa niya, “Paano kung OA ang kaagaw mo sa parking o kaaway mo sa kalsada? Baka kung saan pa mauwi, not worth it.

“Sa dami ng ganyang ganap, me mga kilalang tao pa nga ang namatay at kilala rin yung nakulong dahil pinatay yung kaaway sa parking.

“Tulad nung nangyari sa akin two days ago. Ibinigay ko yung aking slot sa basement ng Fishermall, dahil apakalakas ng busina ni Sir. Parang siya yung may-ari ng mall.  Nakasimangot pa, eh.

“Lumayo na lang ako, hanap na lang ng bakanteng slot. Di na ako nagbaba pa ng bintana para sabihin sa kanyang ako ang nauna at kararating lang niya,” dagdag pang chika ng talent manager.

“Anyway, habang nasa di kalayuan ako ng iniwan kong parking, nakamasid lang ako kay sir.

“Pagpatay niya ng engine, bumaba na si sir sa kanyang Montero. Inaayos ang damit.  Tapos, lumakad na siya papuntang pinto kung saan andun ang elevator.

“Inaayos nito ang kwelyo ng polo. Sumunod ang manggas.  Approaching the door to the elevator habang inaayos ang  bihis, ayun, nauntog sa glass door,” ang chika pa ni Ogie.

Ha-hahahaha! Ang bilis talaga ng karma, no!

Samantala, may bonggang pasabog naman ang Team Ogie bukas, September 24 para sa lahat ng netizens na nakasubaybay sa kanyang socmed accounts.

Narito ang announcement ng vlogger, “Manood, Manalo at Maki-Saya kasama ang BingoPlus tropa sa BingoPlus Day 2.

“Kilalanin ang First Female Celebrity endorser Maine Mendoza, makikanta sa mga timeless hits nina Morissette at Gloc 9, Makipag kulitan with Beks Batallion sa BingoPlus Day 2! Hosted by Ogie Diaz, Lance Edward and Verna Perwinkle. KITAKITS SA SABADO HA?” pag-imbita pa ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Sabi pa niya sa caption, “This Saturday na yan, Sept 24, 7-9pm sa The Ogie Diaz. Ang laki ng chance nyong manalo! Wa echos! Basta tumutok lang kayo dahil exciting ito! Na-entertain na kayo, nanalo pa kayo! I-download nyo na rin ang Bingo Plus app para makasali!”

Related Chika:
Aljur, AJ huli sa akto, magkahawak-kamay habang nasa mall; Kylie walang pake

Ogie Diaz umalma sa poser ni Kim Rodriguez: Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending