HINDI inakala nang cast ng iWantTFC original series na “Hoy, Love You” na magkakaroon sila ng season 3 dahil nga noong kinunan nila ang season 2 ay limitado ang mga tao sa tapings/shootings dahil under General Community Quarantine noon dahil sa COVID-19 kaya’t aminadong hirap ang buong production sa pangunguna ni Direk Theodore Boborol.
Dahil sa commitment nila sa tao at mas lalo pang ginanahan ang lahat dahil ang ganda ng feedback ng lahat ng mga nakapanood na sabi nga ni direk Theodore, “ang mga tao nasa bahay lang kaya ang nangyari naghahanap sila ng mapapanood nila online para makapagpasaya sa kanila at isa ang Hoy, Love You.”
Sa ikatlong season ay muling magkasama pa rin ang love team na sina Aljon Mendoza at Karina Bautista o KarJon.
Unang natanong si Karina dahil unang beses niyang gumawa ng sitcom kaya na-curious ang lahat kung paano nabago ng “Hoy, Love You 3” ang kanyang pag-arte.
“At first po nangangapa talaga ako since Hoy, Love You season 1. It’s my first time doing a sitcom and I didn’t know if I was funny enough to be included although with the help of a lot of people and my co-stars, direk (Boborol) and even Tita LT (Linggit Tan) naging super comfortable kami and na-bring out ‘yung side kong ‘yun. And dito sa season 3 I did the better job, so, kung mapapanood n’yo po ay you will see for yourself,”paliwanag ng dalaga.
Ano nga ba ang pagkakaiba o improvement na mapapanood sa season 3 kumpara sa 1 and 2.
“I think the improvement was the family na nabuo sa off-camera sobrang nakita sa on-camera. Sobrang nagtutulungan sa batuhan ng jokes. Inaalagaan nila ang isa’t isa at sobrang gamay na nila ang characters nila, so, walang sapawan,”paliwanag ni direk Theodore.
Ang magandang samahan ng cast ang dahilan kung bakit ini-enjoy nila ng husto ang shooting ng season 3 kahit mahirap ito.
Say ni Pepe Herrera, “Bukod sa solid na ‘yung pamilya mula season 1 nadagdagan pa ng bagong members na align doon sa mga kalokohan namin, aligned doon sa values ng pamilya, aligned doon sa ultimate goal na magpasaya, magpakalat ng kaligayahan tulad nina Kate Alejandrino, Tito Lou (Veloso) again from season 2, saka si Donna Cariaga saka si Race Matias. Pakiramdam namin kasama na namin sila since season 1.”
Dagdag naman ni Brenna Garcia kung paano ang bonding nila, “Add ko rin po na sa taping po kasi off-cam lagi kaming nagkakaroon na small na tsikahan at doon namin mas nakikilala ang isa’t isa. Noong season 1 more on ‘anong mga hobby mo, ganyan, getting to know each others, tapos nu’ng season 2 medyo mas nagiging deep na, ‘kumusta naman ang buhay mo. Ngayong season 3, tanungan kung anong mga pinapanood mong series ngayon, sine-share namin sa isa’t isa ‘yung mga interest naming movies. Nakakatuwa lang kasi alam na namin ang buhay sa isa’t isa.”
‘Coming home talaga,’ ito naman ang paglalarawan ni TJ Valderrama sa samahan nilang cast ng “Hoy, Love You”.
“Pag nagkikita-kita kumustahan lang, tapos may inside joke na tatanungin sino nagkamali sa nakaraang eksena na mga ganu’n stuff. That’s what makes it fun and we look for those moments and ‘yung mga moments na ‘yun, nagiging memories.”
“Sa sobrang saya namin talaga, e, at memorable ‘yung nagsi-swimming kami off-cam. ‘Tong cast na to talaga ang gagaling professionally, so, bago naman kami magsaya at mag-swimming alam naman namin ang lines namin. At dahil season 3 na kami alam na alam na namin ang galawan na ini-expect ni direk (Theodore) sa amin,” kuwento naman ni Carmi.
Mula naman kay Roxanne Guinoo bilang si Marge, “para akong may mga anak sa set. Mga alaga ko literal sila sa set..”
Sinang-ayunan ng lahat ang sinabi ng ka-loveteam ni Joross Gamboa dahil bukod sa super alaga sila ay maraming pagkaing inihahanda ang aktres para sa lahat.
Para kay Dominic Ochoa ay malaking factor ang location nila sa set, “We started November 2020. Siyempre nu’ng pandemya hindi tayo makapag-dagat, eh. So, ang laking bagay ng may swimming pool ka, nasa tabi ka (rin) ng dagat, me jetski ka pa. Ito pa ang mga kasama mo, kaya rock and roll, di ba? Plus ‘yung trabaho, siyempre ‘yun naman ang priority namin nagiging matic na ‘yung pagsasama-sama tapos yearly pa, 2020 season 1, season 2 2021 then season 3 2022, so excited kaming magkita (kita). Parang kahapon lang nag-taping, ‘yun pala isang taon na pala. So, baka naman sa December, mag Christmas episode na tayo ng season 4, God willing.”
Hiyawan ang buong cast sa sinabing sana may season 4 and sa tingin namin ay magkakaroon naman dahil may followers na at maganda ang feedback.
Sabi nga ni Joross ay marami ang nakaka-relate sa kuwento ng “Hoy, Love You” ngayong season 3 dahil buntis na si Roxanne na pareho rin silang naka-relate dahil naranasan nila ito.
At ang saya ng aktor dahil parang bumalik sila ni Roxanne sa taong 2004 na nabuo ang JoRox love team.
“Hindi magwo-work ang JoRox kung wala ang each and everyone in the cast,” diin ni Roxanne.
Mapapanood na ang season 3 ng “Hoy, Love You” simula Setyembre 30 sa iWantTFC at sa mas malaking devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Other Chika:
Tambalang Joross-Roxanne click pa rin; Lovi, Zanjoe lalaban sa 44th Gawad Urian
Bianca dumepensa sa bashers ng PBB: It’s not an artista search
Belle Mariano mas naging close pa ngayon kay Donny Pangilinan: I trust him so much, sobra talaga!