Tambalang Joross-Roxanne click pa rin; Lovi, Zanjoe lalaban sa 44th Gawad Urian Bandera

Tambalang Joross-Roxanne click pa rin; Lovi, Zanjoe lalaban sa 44th Gawad Urian

Reggee Bonoan |September 07,2021
share this

Tambalang Joross-Roxanne click pa rin; Lovi, Zanjoe lalaban sa 44th Gawad Urian

Reggee Bonoan - September 07, 2021 - 04:24 PM

Zanjoe Marudo, Lovi Poe, Joross Gamboa at Roxanne Guinoo

NAG-CLICK ang iWantTFC series na “Hoy, Love You!” nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo kaya naman meron na itong season two na may titulong “Hoy, Love You Two!”

Mapapanood na ito simula Set. 11, Sabado, 9 p.m. sa Kapamilya online Live ABS-CBN Entertainment YouTube channel, Facebook page at iWantTFC.

“Dumoble yung mga mamahalin ko rito. Dati one family kami ngayon one big family na kami so this is one big challenge for Marge kung paano niya iha-handle ang kinalakihan niyang sa side ng family and ang pag-a-adjust niya sa family ni Jules,” kuwento ni Roxanne zoom mediacon para sa season 2 ng serye.

Ang ganda ng partnership ng tambalang JoRox na nagsimula sa “Star Circle Quest” noong 2004 hanggang sa nagkaroon na ng kanya-kanyang pamilya.

Kaya natanong ang aktres kung walang selosan sa parte niya na muli niyang makatambal ang dating ex-loveteam.

“Actually both sides supportive naman eh, kasi kung hindi supportive hindi naman ito matutuloy. Walang Roxanne, wala ring magiging Joross, alam mo yung hindi mabubuo ulit yung love team. Happy sila. Proud sila.

Dagdag pa niya, “Kasi kapag married ka na, kapag may pamilya ka na, kasi may mga certain things lang na siyempre ayaw din natin maka-offend ng partner natin, di ba. Especially ako ‘yung babae. 

“Siguro sobrang gamay na namin ni Joross ang isa’t isa, kami na mismo sa sarili namin, alam na namin yung boundaries namin. 

“Friends kami. Hindi naman kami ‘yung constant na nagkakamustahan pero once na nagkita kami, nothing has changed,” pahayag ng aktres.

Bukod kina Roxanne at Joross ay kasama rin sa serye sina Carmi Martin, Keanna Reeves, Ritz Azul, Dominic Ochoa, Pepe Herrera, Lou Veloso, Yamyam Gucong, Brenna Garcia, Hasna Cabral, Karina Bautista, Aljon Mendoza, TJ Valderrama mula sa direksyon ni Theodore Boborol.

* * *

Nakakuha ng apat na nominasyon sa prestihiyosong 44th Gawad Urian Awards ang iWantTFC original movie na “Malaya,” kabilang na ang dalawang pagkilala para kina Lovi Poe and Zanjoe Marudo.

Nominado sina Lovi at Zanjoe sa Best Actress at Best Actor categories para sa pagganap nila sa mga karakter nina Malaya at Iago, dalawang overseas Filipinos na magkakakilala sa Italy na parehong matayog ang pangarap at naghahangad ng mas magandang buhay.

Lalaban din ang “Malaya” sa Best Cinematography para kay McCoy Tarnate at sa Best Production Design naman para kay Jay Custodio.

Napapanood nang libre sa Pilipinas ang “Malaya” sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com) at available din sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas. Ang “Malaya” ay mula sa direksyon ni Connie Macatuno sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at Sisu.

Ang 44th Gawad Urian Awards ay inorganisa ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at nakatakdang ganapin ngayong Okt. 6.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending