DonBelle hindi lang basta pakilig sa ‘He’s Into Her,’ level-up ang akting: It’s not a joke, nakaka-drain
MAS na-challenge pa ang magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa pagganap sa kanilang mga karakter sa season 2 ng hit romance series na “He’s Into Her”.
Bukod kasi sa medyo nag-mature na ang kanilang mga karakter for the second season, mas nag-level-up na rin ang kuwento ng serye at hindi lang basta pa-cute at kilig-kiligan.
Paliwanag ng “He’s Into Her” producer na si Vanessa Valdez, “The intention kasi was to make it a more mature story. Kung sa una kasi it was more like a fantasy, that is more kilig.
“At this point of the story, kumbaga set-up ‘yun this is now the real love story, this is where we get to test our characters.
“‘Yung mga scenes na ni-create namin di ba are really to test kung ano ‘yung kaya ng characters namin di ba, ano ‘yung mga prinsipyo nila, ano ‘yung kaya nilang panindigan, ano ‘yung kaya nilang patawarin hindi lang doon sa mga taong mga taong mahal nila pati rin sa mga sarili nila.
“We crafted this series thinking of that. Alam namin na may limitations pa rin kami,” dagdag pa niya.
Kuwento naman ng direktor ng serye na si Chad Vidanes, talagang kinarir nila ang character development ng bawat character sa serye lalo pa’t mas marami nang eksena na kinunan sa labas ng school.
“I had a harder time shooting season 2 compared to season 1 not just because of the protocols but because of the complexity of the emotions in the scenes.
“There are a lot more stories to follow and a lot more scenes outside school. Even on (some) occasions, it was a little bit harder because we weren’t locked in school anymore, we have multiple other locations, it’s mainly because of the number of stories that we will follow this season so it became a little harder,” sey pa ni Direk.
View this post on Instagram
For her part naman, sinabi ni Belle na kinarir din niya ang paghahanda sa kanyang karakter para sa season 2 ng “He’s Into Her.”
“In a way it was easier because I know my character na but mas makikita natin ‘yung depth ng character namin. Mas makikita mo ‘yung pinanggalingan nila and what more ‘yung panggagalingan nila.
“‘Yung complexity nga, like what direk said, mas makikita rito and in those na ‘yun talagang mas nahirapan ako but it was a challenge,” aniya pa.
Kuwento ni Donny, “Hindi siya ‘yung season 1 na ako I started out as a bully, I can do anything I want, he’s gonna do anything.
“Ngayon you see the complete shift in like story-wise and character-wise and how I have to let got through life with the problems with my brother, my problems with my relationship in school?
“Carrying all of that all of a sudden, it’s not a joke and I really have to put myself in big shoes.
“Ang daming scenes dito na sobra akong emotionally na-drain siguro after kasi hindi ko na alam ano gagawin ko after kasi sobra akong nalagay sa shoes niya that I really felt how it really felt to feel that certain way.
“Wala akong sino-spoil, may elevated times 10 ‘yung season 2 in terms of emotions,” aniya pa.
Samantala, mas nag-level up pa ang akting ni Jeremiah Lisbo sa serye bilang si Randall, “Sobrang hirap dahil hindi biro ‘yung pinagdaanan ni Randall. ‘Yung challenge, ‘yung struggle niya, ‘yung pagco-cope up niya sa nangyari sa season 1 talagang hinagpis, eh.
“Wasak ‘yung tao at sobrang bigat, sobrang bigat. Hindi ko nga alam kung minsan ay nasa, let’s say, free time or wala akong shooting, dala-dala ko pa rin eh,” dugtong pa ng young actor.
Pag-amin pa ni Jeremiah, “Kaya minsan hindi ko alam kung nami-misinterpret ako ng mga kasamahan ko, katrabaho ko, hindi lang dahil sa character ko siyempre mayroon din akong dala-dala na personal life problems di ba pero solid kasi marami akong napupulot na aral.
“Marami akong natututunan kung paano i-set aside ‘yung personal problems ko sa personal problems ng character minsan lang talaga ay tao lang tayo, eh,” pahabol ng binata.
https://bandera.inquirer.net/283477/donny-proud-na-proud-sa-hes-into-her-pero-umaming-nape-pressure-dahil
https://bandera.inquirer.net/291686/catriona-hindi-active-sa-social-media-its-become-a-bit-much
https://bandera.inquirer.net/292413/bianca-dumepensa-sa-bashers-ng-pbb-its-not-an-artista-search
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.