Belle Mariano mas naging close pa ngayon kay Donny Pangilinan: I trust him so much, sobra talaga! Bandera

Belle Mariano mas naging close pa ngayon kay Donny Pangilinan: I trust him so much, sobra talaga!

Ervin Santiago |April 19,2022
share this

Belle Mariano mas naging close pa ngayon kay Donny Pangilinan: I trust him so much, sobra talaga!

Ervin Santiago - April 19, 2022 - 08:00 AM

Donny Pangilinan at Belle Mariano

ABANGERS na ang madlang pipol sa pagsisimula ng “He’s Into Her Season 2” ngayong linggo na pinagbibidahan ng phenomenal loveteam nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Atat na atat na ang mga DonBelle supporters all over the universe na mapanood ang book 2 ng nasabing romcom series mula sa ABS-CBN at iWantTFC.

Pero knows n’yo ba na aminado si Belle na matinding pressure rin ang naramdaman niya noong magsimula na ang kanilang lock-in taping para sa season 2 ng “He’s Into Her.”

“For me nu’ng una kinabahan ako kasi this time yung characters namin mas may depth, mas kita niyo yung layers ng characters namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


“Mas makikita niyo yung challenges na pagdadaanan nila. But with the help of everyone, once you’re in that kind of set-up na we’re all just in one bubble, being surrounded with the same cast, the same people, it really helps you be back in the zone and helped me be Max (karakter niya) again. Talagang nakakatulong siya para ma-portray mo yung character,” pahayag ng Kapamilya young actress.

Pahayag pa ni Belle, siguradong maninibago ang mga tumutok sa season one sa mga bago nilang ipakikita ni Donny sa pagpapatuloy ng kuwento dahil sa “more mature version” ng kanilang mga character pati na ng bagong storyline.

“The same naman from season one to season two, to articulate the emotions of the scene. Gusto ko once na once na mapanuod ko yung binigay ko sa eksenang yun, sana dumating sa audience yung message ko sa scene na yun.

“Just to be able to go through what Max went through, it was hard. But it was a good challenge. Well walang nagbago from Max and Deib (Donny) from season one to season two but all I can say is nag-grow sila dito. Mas makikita mo yung maturity nila,” paliwanag ni Belle.

Samantala, inamin din ng dalaga na mas naging close pa sila ni Donny ngayon dahil sa second season ng “He’s Into Her.” Masasabi raw niyang mas naging solid pa ang kanilang samahan.

“Sometimes I find it really hard to trust. But now I trust him so much. Sobra talaga. It was a process but he’s one of the few people I trust the most,” pahayag ni Belle.
Handa rin daw siyang suportahan at tulungan ang ka-loveteam kung hihilingin ito ni Donny.

“Being there for him, simply showing him and supporting him with whatever he is passionate with. That’s also a way of fighting for him,” sabi ni Belle.

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

Pinoy pageant fans abangers na sa pagrampa ni Tracy Perez sa 70th Miss World; malakas daw ang laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending