Mister International PH pageant may iskedyul na sa 2023 | Bandera

Mister International PH pageant may iskedyul na sa 2023

Armin P. Adina - September 22, 2022 - 02:40 PM

Mister International PH pageant may iskedyul na sa 2023

Pinangungunahan ni Mister International Philippines Myron Jude Ordillano (pangatlo mula kanan) ang 2022 MIPH court na kinabibilangan din nina (mula kaliwa) Caballero Universal Filipinas Andre Cue, Mister Beauté Internationale Philippines John Ernest Tanting, Mister Tourism International Philippines Kitt Cortez, Mister Global Philippines Mark Avendaño, at Mister National Universe Philippines Michael Ver Comaling./ARMIN P. ADINA

WALA pa man sa huling kwarter ang 2022, ngunit nilabas na ng Mister International Philippines (MIPH) pageant ang kalendaryo nito para sa patimpalak sa susunod na taon.

Ibinahagi ng abogadong si Manuel Deldio, MIPH president, sa isang message group kasama ang mga kawani ng pageant media ang iskedyul ng national pageant sa 2023, mula screening hanggang finals.

Isasagawa ang final screening at press presentation sa Araw ng Kasarinlan, Hunyo 12. Sinabi ni Deldio na alinsunod ito sa “pivot to nation building” ng MIPH. Health and wellness ang isinulong sa edisyon ng male pageant ngayong taon.

Sinabi ni Deldio na pasya mismo ng MIPH ang pagtuon sa nation building. “Each franchise holder is given the leeway to chart our own course,” ipinaliwanag niya.

Pagkatapos mapili ang mga kandidato, isasagawa ng organisasyon ang MIPH Academy mula Hunyo 14 hanggang 23. At sa Hunyo 24, sasailalim na sila sa preliminary competition.

Itatanghal ang 2023 Mister International Philippines coronation night sa Hunyo 28. Nilinaw naman ni Deldio na “tentative” pa ang mga petsang tinukoy sa 2023.

Inulit pa niya ang “one-year bar rule” na ipinapataw ng MIPH sa mga aplikante.

“A candidate who has just competed in the finals night of a national competition within one year before his application (to MIPH) shall not be allowed to join,” ipinaliwanag pa ni Deldio.

Pinipili ng MIPH ang mga kinatawan ng bansa sa iba’t ibang international male competitions.

Maliban sa prangkisa ng Mister International, hawak din ng MIPH ang lisensya para sa Mister Global, Mister National Universe, Mister Tourism International, Caballero Universal, Mister Teen International, at Miss and Mister Beauté Internationale pageants.

Si reiging king Myron Jude Ordillano ang kakatawan sa bansa sa ika-14 edition ng Bangkok-based na Mister International pageant, na itatanghal sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Tinanggap na rin ng mga runner-up niya at isang finalist ang kani-kanilang international pageant assignments.

Related Chika:
Pilipinas back-to-back ang pagkapanalo sa Mister Gay World

P100K iuuwi ng Mister Gay World PH

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga pambato ng Pilipinas hangad ang kambal na korona sa Poland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending