Anthony Jennings kay Vivoree Esclito: Alam ko na kung paano siya pasayahin | Bandera

Anthony Jennings kay Vivoree Esclito: Alam ko na kung paano siya pasayahin

Reggee Bonoan - September 19, 2022 - 07:49 PM

Vivoree Esclito at Anthony Jennings

SA nakaraang virtual mediacon ng “Love Bites” na napapanood tuwing Biyernes, 8 p.m. sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ay nagtanong ang host na si Mela Habijan sa mga bida ng show bilang good conversation starter.

Iba na raw kasi ang atake ng Gen Z ngayon para ipakilala ang kanilang mga sarili.

Sina Vivoree Esclito at Anthony Jennings ang magka-love team sa episode na “Lost But Found” na tungkol sa past relationships.

Parehong hindi inaasahan nina Vivoree at Anthony na magkaka-tandem sila sa “Love Bites.”

“Unexpected kasi ako wala naman akong official loveteam but I’m open to working with anyone and sobrang happy na I was able to work with Anthony for this project,” say ni Vivoree.

Say naman ni Anthony, nakatrabaho na niya si Vivoree sa youth oriented series ng IWantTFC na “Tara G.”

“Nagkatrabaho na kami before pero hindi siya loveteam pero kahit paano meron nang na-build na konting chemistry. Alam na namin kung paano kakapain ang isa’t isa,” ssbi ng binata.

View this post on Instagram

A post shared by @vivoree


Tanong ni Mela kung kailangan ba talagang maging magkaibigan muna para mas kumportable.

“Oo naman, kasi papatayin niya ‘yung awkwardness. Pag kilala mo na ‘yung tao alam mo na ‘yung joke na ibabanat mo sa kanya sa eksena, alam mo na kung papaano mo siya papatawanin, alam mo na ‘yung patok na humor sa kanya.

“So I think mas maganda kung kilala niyo na ang isa’t isa and si Vi alam ko na kung paano siya pasayahin eh,” paliwanag ni Anthony.

Natawa naman si Vivoree sa pahayag ng ka-loveteam, “Ewan ko sa ‘yo. Pero tama naman po, friendship is the best foundation kahit anong aspect talaga and para ma build din ‘yung trust and you can give and take rin sa mga eksena.”

Sa tanong kung nawala ba sila sa sarili nila dahil sa love at natagpuan muli ang sarili dahil sa love.

Inamin ito ni Vivoree kaya importante raw talaga ang self care sa tuwing heartbroken siya kaya sa kasalukuyan ay mas gusto muna niyang maging single at ihanda ang sarili para sa tamang lalaking darating sa buhay niya.

Hindi pa naman naranasan ni Anthony na mabigo sa ngalan ng pag-ibig.

“Ako kasi parang hindi pa ako naha-heartbroken eh. Wala pa naman akong na-experience. Pero minsan may times na pag may makikilala kang someone parang mas kumportable o mas makikilala mo rin ang sarili mo at na-experience ko na siya (girlfriend).

“Nakakakatulong ang kilig in a way like sa eksena focused din talaga ako sa craft ko, sa acting. So may mga scenes din talaga na kailangan mong kiligin and may inspiration ka na gawin yun. So lumalabas din siya sa screen talaga?” kuwento ng aktor.

Samantala, bukod sa “Lost and Found” ay abangan din ang “Letters for Leah” episode nina Dimples Romana, Miko Raval, Lance Carr, at Angelica Lao.

“He Must Choose” episode naman ang kina Angela Trajano, Sky Quizon, Nico Antonio, Concon Felix, at Genesis Redido na may konek sa LGBTQIA+ community.

Ang mga bida naman sa “Hearts of Pride” episode ay sina Angela at Kristof Garcia. Sina Karina Bautista at Gello Marquez naman sa “One Post Away.”

Sa “Miss Astrologer” episode naman bibida sina Andi Abaya at Kobie Brown habang ang “TOTGA” episode naman ay kina JC Alcantara at Shanaia Gomez.

Ang “Love Bites” ay mula sa direksyon nina Kevin Alambra at Dado Lumibao, mula sa RCD Narratives na nagsimula nang umere nitong nagdaang Setyembre 16.

https://bandera.inquirer.net/303412/vivoree-esclito-inuulan-ng-blessings-hindi-ko-alam-kung-ano-ginawa-ko-to-deserve-all-of-these

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/324256/vivoree-esclito-ilang-beses-nang-nasawi-sa-pag-ibig-ngayon-sobrang-importante-talaga-sa-akin-yung-self-care
https://bandera.inquirer.net/281786/babala-ni-nadine-sa-mga-basher-i-still-bite-sometimes-i-just-dont-have-time
https://bandera.inquirer.net/316140/kris-bernal-na-stress-sa-sand-bug-bites-sa-katawan-tinawag-na-niknik-queen-ng-asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending