Bb. Pilipinas queens nagpasalamat para sa sakripisyo ng mga sundalo | Bandera

Bb. Pilipinas queens nagpasalamat para sa sakripisyo ng mga sundalo

Armin P. Adina - September 19, 2022 - 11:49 AM

Naghatid ng saya sa V. Luna Medical Center ang mga reyna ng Bb. Pilipinas na sina (harap, mula kaliwa) Chelsea Fernandez, Gabrielle Basiano, at Stacey Gabriel

Naghatid ng saya sa V. Luna Medical Center ang mga reyna ng Bb. Pilipinas na sina (harap, mula kaliwa) Chelsea Fernandez, Gabrielle Basiano, at Stacey Gabriel./BPCI PHOTO

NAMULAT ang mga reyna ng Binibining Pilipinas pageant sa tunay na tapang at paninindigan ng mga sundalo nang marinig ang kuwento ng mga ito na kasalukuyang nagpapagaling ng kanilang mga sugat at pinsala sa katawan.

Sa pagsulong sa misyon nitong aktibong makibahagi sa pagpapaunlad sa bansa, muling nakipagtulungan ang Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) sa Makati Medical Center (MMC) Foundation at nakiisa sa pagdiriwang sa ika-65 anibersaryo ng V. Luna Medical Center noong Set. 1.

Dumalaw sina reigning Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano, Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez, at second runner-up Stacey Gabriel sa pagamutan sa Quezon City upang magbahagi ng mga pagkaing handog Pizza Hut at Jag Jeans, at mga regalo mula sa Ever Bilena Cosmetics at Casino Ethyl Alcohol.

“After that visit, my respect for them grew. I had never seen anything like that before, until I paid a visit to them. I was moved to tears knowing that there are people who are willing to risk their lives for our country,” sinabi ni Fernandez sa Inquirer sa isang online interview.

Para naman kay Basiano, “[it] made me feel so grateful that we still have modern heroes who are willing to sacrifice their lives to save our nation. I feel so honored to have met them, and in our own little way give some tokens of appreciation for all their sacrifices and heroic acts.”

Mula sa mga sundalo, napagtanto ni Fernandez na “their bravery is a form of patriotism, and as citizens, we can also be patriotic by being good citizens. Despite our differences, we can always work together for the greater good and be proud Filipinos wherever we are in the world.”

Nakita naman ni Basiano “how important it is to show our appreciation and support to our soldiers, because in that way we will be able to make them feel that they are loved and that we are proud of them and to let them know that we are praying for their safety.”

Tinukoy din ng dalawang reyna ang malaking sakripisyo ng mga sundalo, na sa halip na makapiling ang kani-kanilang mga pamilya ay piniling lumayo upang lumaban para sa bayan, isinusugal ang kanilang mga buhay.

Maging sina Basiano at Fernandez iiwanang pansamantala ang kani-kanilang mga mahal sa buhay upang lumaban para sa Pilipinas sa ibayong-dagat.

Kakatawanin ni Basiano ang bansa sa Miss Intercontinental pageant sa Egypt sa Okt. 14 (Okt. 15 sa Maynila) at sisikaping masungkit ang koronang nakaputong ngayon sa ulo ng Pilipinang si Cinderella Faye Obeñita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutulak naman si Fernandez sa Albania para sa Miss Globe pageant sa Okt. 15 (Okt. 16 sa Maynila) upang mapanatili sa Pilipinas ang korona at manahin ito mula sa kasalukuyang Pilipinang reynang si Maureen Montagne.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending