SHS grad tumindig sa mga hamon ng pagiging pageant titleholder
KATUTUNGTONG lang ni Mister International Philippines fourth runner-up Andre Cue sa gulang na 19, ngunit naharap na siya sa mga hamong tila napakabigat para sa isang teenager.
Ito’y nang malaman nga niya na lalaban siya sa isang international pageant sa Laos sa 2023, ngayon naman minamadali na niya ang paghahanda para sa isang panibagong digmaang magdadala sa kanya sa Venezuela ngayong darating na Nobyembre.
Sumabak siya sa una niyang national pageant bilang isang baguhang katatapos lang ng Senior High School mula sa Xavier University-Ateneo de Cagayan, ngunit dinaig niya ang ilang mga beterano upang mapasok ang Final Five. Napakalaking bagay na para sa isang baguhang katulad niya ang sinapit niya sa Mister International Philippines bilang isang tinedyer, ngunit nagpapatuloy pa rin ang pag-usad niya sa mundo ng pageantry.
Nitong Hulyo, iginawad ng Mister International Philippines (MIPH) organization kay Cue ang titulong 2022/2023 Mister Teen International Philippines, at inatasan siyang kumatawan sa bansa sa dibisyong panlalaki ng Singapore-based na Mister and Miss Teen International pageant sa susunod na taon.
Kapwa pa taga-Pilipinas ang kasalukuyang may hawak ng mga titulo—sina Vaughn Justice Zabala mula Tacloban City at Carissa Neuel Finn Pono mula Ormoc City—na nagdagdag sa bigat ng tungkulin ni Cue sapagkat isang back-to-back para sa bansa ang tatangkain niya.
Ngunit nito lang Agosto, hinirang ng MIPH si Cue bilang Caballero Universal Filipinas, na may kaakibat na isa pang mabigat ng tungkulin para sa tinedyer—ang maging unang Pilipino at Asyanong magwawagi sa pangalawang edison ng Venezuela-based na international pageant.
Nakadagdag pa sa bigat ang iskedyul ng patimpalak, na nagbibigay sa kanya ng dalawang buwan lang upang maghanda para sa 2022 Caballero Universal pageant na itatanghal sa Caracas sa Nobyembre. Ngunit hindi nagpapatinag ang batang hari sa bilis at bigat ng mga pangyayari.
“I need to prepare,” sinabi ni Cue sa Inquirer sa “sashing ceremony” ng MIPH sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City noong Set. 8, kung saan opisyal na iginawad ng organisasyon ang mga national title sa apat na runner-up at isang finalist.
“After the pageant I took a break, I was eating and having cheat days every day, knowing that the Mister Teen International will happen next year in June. But Caballero Universal will be this November already,” pagpapatuloy niya.
Sinabi ni Cue na nais niayng magpakita ng isang Pilipinas na “respectful and loving” sa pagsabak niya sa international stage sa pagiging isang Pilipinong may “mission or a goal for the world to be better.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.