Ian Veneracion hinding-hindi malilimutan ang 'Hiwaga Sa Balete Drive': Dati akala ko kapag mag-aartista ka pa-cute-cute lang | Bandera

Ian Veneracion hinding-hindi malilimutan ang ‘Hiwaga Sa Balete Drive’: Dati akala ko kapag mag-aartista ka pa-cute-cute lang

Ervin Santiago - September 11, 2022 - 08:23 AM

Ian Veneracion

FOREVER nang nakatatak sa isip at puso ng actor-singer na si Ian Veneracion ang blockbuster movie niya noong “Hiwaga Sa Balete Drive”.

Binalikan ni Ian ang ilang karanasan niya sa mundo ng showbiz at sa mga naging kaganapan sa kanyang career noong nagsisimula pa lang siya bilang child star.

Ngayong buwan ng Setyembre, ipinagdiriwang ni Ian ang kanyang ika-40 taon sa entertainment industry at last Friday nga ay binigyan siya ng pa-tribute ng “Magandang Buhay”.

Dito naikuwento ng aktor ang pagsisimula niya bilang isang child star sa TV sitcom na “Joey and Son” kung saan siya gumanap na anak ni Joey de Leon. Aniya, mga 6 o 7 years old pa lang daw siya that time.

Pag-amin ni Ian, “Dati akala ko kapag mag-aartista ka pa-cute, pa-cute lang, ‘yung ganu’n. Tapos may ginawa akong movie ‘Hiwaga sa Balete Drive.’ 

View this post on Instagram

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1)


“‘Yung eksena imadyinin mo, mga 13 ako noon, tapos ang tatay ko Joel Torre, nanay ko Gina Alajar, ang tiyahin ko si Charito Solis, tapos ang direktor ko si direk Peque Gallaga. 

“‘Yun talaga, doon ako naano na, ‘ano ang ginagawa ko rito?’ Kasi grabe, hindi laro, as in seryoso talaga. Tapos nakita ko yung proseso nila individually and how much they take their work seriously. 

“Doon talaga kumbaga nag-shift ‘yung paningin ko na akala ko ‘yun ang trabaho ng artista dati, hindi pala ganoon. So doon nagbago talaga, so very memorable sa akin ‘yon,” pagbabalik-tanaw ng aktor.

Napakarami nang nagawang proyekto ni Ian sa apat na dekada niya bilang artista – mula sa telebisyon, pelikula hanggang sa paggawa ng mga concert.

“I am just the sum total of the people I meet. And, ‘yun nga kayong lahat ‘yon, kayo. Kung mayroon akong ginagawang tama, the credit goes to the people who have touched me, touched my heart,” mensahe ni Ian sa lahat ng mga nakatrabaho niya at sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Bukod sa pag-arte, kinakarir na rin niya ngayon ang pagiging musikero, “May mga times dati na nauso ‘yung o dali gawa tayo ng album mo,’ yung wala lang. 

“Pero music has been there sa akin as a companion, as therapy. Kumbaga masyadong mataas ang respeto ko sa music para gawin lang siyang wala lang, na gagawa lang tayo ng kung ano lang. Ayaw ko ng ganoon. 

“So it took me a long time to have the confidence to actually sing and make songs. And you know I wanted to give justice to the respect I have to the world of music,” pahayag pa ng aktor.

Matatandaang pumirma kamakailan si Ian ng kontrata sa A Team, ang talent management company ni Ogie Alcasid.

https://bandera.inquirer.net/307141/geneva-cruz-may-pa-throwback-kasama-si-ian-veneracion-who-wouldnt-have-a-crush-on-him

https://bandera.inquirer.net/298965/bl-series-actor-paolo-pangilinan-nagsalita-na-sa-isyu-nila-ni-juan-miguel-severo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/323425/ian-de-leon-umaming-nakalimot-kay-lord-dumaan-sa-matinding-depresyon
https://bandera.inquirer.net/315397/ian-veneracion-sa-isyu-ng-pambababae-theres-nothing-cool-about-that

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending